FOOD SECURITY, ENERGY, HOUSING PLANS TINALAKAY SA CABINET MEETING

TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at miyembro ng kanyang gabinete ang panukalang tiyakin ang food security, palakasin ang energy sector, at paghusayin ang housing program ng pamahalaan.

Isa-isang nagpresenta ng kanilang plano ang Department of Agriculture (DA), Department of Energy (DOE), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa idinaos na Cabinet meeting sa Malacañang Palace, nitong Huwebes.

“The suggestions are still being fine-tuned,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

“Hindi pa po kami nagri-release ng mga detalye na ito sapagkat kanina po ay pagkakataon para i-discuss ‘yung mga proposals na ito. So, may mga revisions at saka refinements po,” ani Cruz-Angeles.

Ang DA aniya ay kasalukuyang pinamumunuan ni Pangulong Marcos, nagpanukala ng inisyatiba para palakasin ang food production sa bansa.

Sa kabilang dako, sinabi ni Cruz-Angeles na sa isinagawang Cabinet meeting, tinalakay ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang pamamaraan upang magkaroon ng “adequate, accessible and affordable energy.”

Matatandaang noong Agosto 9, ang regulatory framework sa energy sector ay pinlantsa para makapagbigay ng malinaw na polisiya para sa mga mamumuhunan.

Sinabi naman ni Cruz-Angeles, sa kanyang Facebook post na nakikipag-ugnayan na ang DOE sa attached agencies nito upang masiguro na mas magiging “attractive” ang energy sector sa investors.

“Gusto ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na makapaghikayat pa ng maraming investments ang sektor ng enerhiya. Bilang pagsunod dito, inihahanda na ng Department of Energy Philippines at mga mambabatas ang pagpapatupad ng mga polisiya upang maparami pa ang mga investor,” anito.

Samantala, napag-usapan din sa Cabinet meeting ang panukalang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng DHSUD.

Sa isinagawang pulong kasama ang Senate Committee on Urban Development, Housing and Resettlement, isiniwalat ng DHSUD ang plano nito na tugunan ang kasalukuyang housing backlog para sa mahigit na six million units.

Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ang priority programs nito ay naglalayong tugunan ang lumalaking housing gap sa bansa at makapagbibigay benepisyo sa mga informal settler families at nakatira sa danger zones.

“To date, the DHSUD pegged the housing backlog at more than 6.5 million units,” ayon kay Acuzar. (CHRISTIAN DALE)

237

Related posts

Leave a Comment