Ipasa sa private sector kung ayaw ng China RAILWAY PROJECTS IPAGPAPATULOY NI PBBM

TINITINGNAN ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na partnerships sa private sector para pondohan ang tatlong railway projects na dapat sana ay susuportahan ng China.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DOTr Undersecretary for Planning Timothy John Batan, hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-renegotiate siya sa China at tingnan din ang posibilidad na makipag-partner sa private sector para sa mga proyektong ito.

“Sabay nating pinag-aaralan iyang interes ng China at interes ng ating pribadong sektor para dito sa mga proyektong hindi napondohan ng China nitong nakaraang administrasyon,”ayon kay Batan.

Ang tatlong railway projects ay ang Philippine National Railways (PNR) South Long Haul Project na kokonekta sa Metro Manila, Batangas, Bicol, at Matnog sa Sorsogon; Subic-Clark Railway project; at ang Mindanao Railway Project Phase 1 na magkokonekta sa Tagum, Davao, at Digos sa pamamagitan ng 100 kilometer railways.

Sa kabilang dako, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, sa nakaraang Cabinet meeting, nagsimula na ang dayalogo kasama ang kanyang counterpart sa China upang malaman kung interesado pa itong i-extend ang official development assistance (ODA) loans at kung ano ang mga proyekto sa rail sector na interesado pa rin ang mga ito. (CHRISTIAN DALE)

123

Related posts

Leave a Comment