IBINASURA na ng Commission on Elections (Comelec) 2nd Division ang isa pang petisyong nagpapakansela sa certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon sa tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez, ang ibinasura ay petisyon na inihain ni Tiburcio Marcos laban kay Bongbong.
Nauna nang ibinasura ng poll body ang petisyon na inihain ni Father Christian Buenafe na humihiling din na ibasura ang COC ni Marcos.
Gayundin ang petisyon na humihiling na maideklarang nuisance candidate si Marcos na inihain naman ni Danilo Lihaylihay.
Nakabinbin pa rin sa Comelec 1st Division ang 2 disqualification cases laban kay Marcos.
Sa naunang ibinasurang petisyon nitong Enero, binigyang diin ang pagsisinungaling ng mga petitioner.
Sa 32-pahinang desisyon ng Comelec, nanindigan ang 2nd Division na walang anomang maling impormasyong kalakip ng Certificate of Candidacy na inihain ni Marcos Jr.
Sa halip, binuntunan pa ng komisyon ang anila’y hayagang misrepresentasyon sa mga inilatag na basehan para sa kanselasyon ng COC ng dating senador.
Sa isang pahayag naman kay Atty. Vic Rodriguez na tumatayong tagapagsalita ni Marcos, tinuligsa nito ang aniya’y garapalang pagsisinungaling ng mga petitioners sa hangaring baluktutin ang nasasaad sa batas na tinutukoy sa mga “grounds for the cancellation of the COC” ng dating senador.
“Petitioners Fr. Christian Buenafe, Fides Lim et. al., with their lawyer, Theodore O. They were caught by the Comelec 2nd Division LYING NOT JUST ONCE, NOT TWICE, BUT THRICE!” gigil na pahayag ni Rodriguez.
“The unanimous ruling of the 2nd Division is unequivocal: Presidential aspirant Bongbong Marcos did not commit any false material representation in his certificate of candidacy,” dagdag pa ng abogado.
Sa pahina 29 ng 2nd Division ruling, nagpasaring din si Presiding Commissioner Socorro Inting kaugnay ng diumano’y panlilito sa mga botante nang igiit na sentinsyado ang dating senador sa tax evasion.
“Petitioners’ propensity to mislead is at once apparent in their act of branding the case faced by Respondent in the RTC and CA as TAX EVASION CASES. This phrase is clearly a misnomer. These cannot be rightfully termed as tax evasion cases because Marcos was merely charged with violation of Section 45 which is failure to file income tax returns and Section 50 which is payment of taxes to which he was later acquitted with a definitive finding that there was no tax evasion as he was subjected to the withholding tax system.”
149