ANG pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa kalikasan ang isa sa mga prayoridad ng UniTeam, ayon kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Binigyang-diin ni Marcos na nagkakaisa sila ng kanyang running mate na si Inday Sara Duterte sa adhikain na ito kasama na ang pagpapalakas ng kakayahan ng bansa na matugunan ang problema sa climate change.
“Matagal ko na itong adhikain kaya naman marami akong ipinasang panukalang-batas noong ako ay nasa Kongreso at sa Senado na naglalayong proteksyunan at pangalagaan ang kalikasan. Ganun din ang aking tandem na si Sara Duterte. She has also been a staunch advocate. This is why this will be among our administration’s priorities,” sabi niya.
Dagdag pa ni Marcos, dahil sa labis na pagkawasak ng kapaligiran ay naging madalas na ang mga natural at man made disasters gaya ng landslide at pagbabaha sa bansa.
“Nature has its rights that should be protected. It should be allowed to flourish, reproduce and attain its abundance side by side with human civilization in perfect balance and harmony with our growing communities. We should do this if we want to safeguard the most vulnerable members of our society from the onslaught of natural calamities,” sabi niya.
Nitong nakaraan lang ay ilang miyembro ng Kalikasan People’s Network for the Environment at leftist group na Bayan Muna ang nag-rally sa harap ng BBM national campaign headquarters.
Kanilang pinanawagan ang pagtutol sa Kaliwa Dam project at ilang large-scale dam at water projects.
Ang Kaliwa Dam ay naglalayon na masigurong may sapat na suplay ng tubig upang matugunan ang mga pangangailangan ng Metro Manila sa mga darating na panahon at mabawasan ang pag-asa nito sa Angat Dam.
Naaprubahan noong 2012 sa ilalim ng Aquino administration, ang mga residente na nakatira malapit sa proyekto ay tutol dito.
139