PBBM, HUANG MULING TINIYAK NA PALALAKASIN ANG UGNAYAN NG PILIPINAS AT CHINA

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mananatili ang commitment nito na mas palakasin pa ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Ito’y matapos na makipagkita si Pangulong Marcos kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa Malakanyang noong Miyerkoles.

“We welcomed the Chinese Ambassador to the Philippines, H.E. Huang Xilian, in a courtesy call yesterday,”ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post sabay sabing “We are very grateful for the visit, and we look forward to further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of both our peoples.”

Para kay Huang, “greatly honored”siya sa kanyang courtesy call kay Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng bagong administrasyon, kumpiyansa si Huang na mas lalo pang lalago ang kooperasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

“We exchanged views on further strengthening the relationship between China and the Philippines for the benefit of both our peoples. I’m fully confident that under the strategic guidance of President Xi Jinping and President Marcos, China-Philippines relationship will further grow and achieve more benefits in the years to come,” anito. (CHRISTIAN DALE)

152

Related posts

Leave a Comment