PBBM PERSONAL NA NAKIRAMAY SA PAMILYA NI FVR

PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa kanyang pagbisita sa burol ng huli sa Heritage Park sa Taguig City.

Dumating si Pangulong Marcos sa lamay ng pasado alas-10:20 ng umaga ng Huwebes, Agosto 4, 2022.

Hulyo 31 nang mapaulat na namayapa na ang dating Pangulo sa edad na 94.

Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos habang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon sa COVID-19.

Nagsilbing Pangulo ng bansa si FVR mula 1992 hanggang 1998. Pero bago naging politiko at public servant ay nagsilbi muna siya bilang sundalo hanggang sa hiranging deputy chief staff ng Armed Forces noong 1981. (CHRISTIAN DALE)

142

Related posts

Leave a Comment