PRESYO NG VIETNAM RICE EXPORT PINABAGSAK NG EO 39

MATAPOS ipag-utos ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa bansa noong nakaraang linggo ay bumagsak na rin ang presyo ng Vietnam Rice exports.

Batay sa report ng pahayagang Vietnam Express, nabatid na ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng bigas sa Vietnam ay ang pagkansela ng mga Philippine Rice Importers at traders ng tone-toneladang rice imports.

Ayon umano sa isang exporter mula An Giang Province, umaabot sa 40% ng kanilang kostumer mula sa Pilipinas ang nagkansela na ng kanilang mga order.

Dahil dito, dumami ang stock na bigas ng Vietnam, ayon naman sa pahayag umano ng CEO ng Orico, na si Nguyen Viet Anh.

Nabatid na bumagsak ng 2.3% ang presyo ng bigas para i-export, na ngayon ay nasa $628 per ton na lamang, mula sa dating $640 per ton.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, “It clearly shows na apektado talaga ang presyo sa abroad dahil sa EO39 ni PBBM.”

Dagdag pa ng lider ng Kamara, “pababa na ang presyo ng bigas kasi tag-ani na rin dito sa atin”.

477

Related posts

Leave a Comment