OFW WELFARE KASAMANG NATALAKAY SA ASEAN

BUKOD sa usaping pagtutulungan sa agrikultura, pagmamanupaktura, at mga serbisyo ng mga kasaping bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), natalakay rin ang hinggil sa overseas Filipino workers (OFW) sa sideline meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sumentro ang pagtalakay sa kapakanan at seguridad ng mga OFW sa iba’t ibang bansa sa ASEAN at sa labas nito.

Si Romualdez ay bahagi ng contingent ni Marcos Jr. na dumalo sa ASEAN Summit sa Indonesia noong nakaraang Linggo.

“The welfare of our OFWs is always the primary concern of the President,” ayon kay Speaker Romualdez.

Aniya, “maging sa Kongreso, marami tayong mga panukalang batas hinggil sa kapakanan ng mga OFW at ng kanilang pamilya”.

“They bring revenues to our country ang keep our economy afloat dahil sa remittances nila,” dagdag pa ng Speaker of the House.

Pahabol pa ng Leyte Representative, “marapat lang talaga na suklian natin sila at siguraduhin ang kanilang kapakanan at kinabukasan ng kanilang pamilya”.

“Rest assured, na tayo sa pamahalaan ay nakatutok lagi sa mga kakailanganin ng ating mga OFWs partikular na ang kanilang mga pamilya lalo na kapag sila ay nasa ibang bansa,” ayon pa kay Romualdez.

315

Related posts

Leave a Comment