Todong suporta , proteksyon ibibigay ng BBM-Sara UniTeam sa mga OFWs, kanilang pamilya

Tiyak na proteksiyon at mas maraming benepisyo para sa kanilang mga pamilya ang pangako ng BBM-Sara UniTeam para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Sa ginanap na miting de avance, isang online dialogue kasama ang mga OFWs, nilahad ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang kaniyang plano na maayos ang pagbalik ng mga modern-day heroes’ na siyang malaki ang kontribusiyon sa ekonomiya ng bansa.

“Kailangang kilalanin natin ang paghihirap ng ating mga OFWs. Ang remittance nila ang bumuhay sa ating ekonomiya nitong pandemiya. Ang mga remittance nila ay nagco-contribute ng nine percent ng ating GDP (Gross Domestic Product. Nararapat lang na tulungan din natin ang pamilya nilang naiwan dito,” sabi nito.

Ayon kay Marcos, dapat ang mga pamilya ng OFWs ay magkaroon ng pabahay, scholarships, at health insurance.

“Suportahan natin sila sa pamamagitan ng mga pabahay, scholarships at national health insurance,” sabi niya bilang pagpupugay sa kanilang mga pagsusumikap at sakripisyo.

Sinisiguro din ni Marcos sa mga OFWs, na kung manalo ang UniTeam, ang mga nawalan ng trabaho abroad dahil sa pandemiya at nais bumalik sa ibang bansa ay sasailalim sa re-training upang mas maging handa sila sa mga pangangailangan ng labor market habang mas magandang kabuhayan naman sa nga nais na lamang manatili sa bansa.

Para naman kay vice presidential bet Inday Sara Duterte, dapat aniya ay masiguro ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga OFWs sa kanilang mga pinapasukan.

“Titiyakin natin natin na ligtas ang ating mga OFWs sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan,” sabi ni Duterte.

Gayunpaman, muling iginiit ng UniTeam na ang kanilang pinakalayunin ay makapagbigay ng mas maganda at maayos na trabaho sa bansa upang hindi na kailanganin ng mga Pilipino na pumunta sa ibang bansa upang masiguro lamang ang magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.

“Sana dumating ang araw na hindi na kailangang umalis ang ating mga kababayan para makahanap ng magandang trabaho. Sana makauwi na ang ating mga kababayan at makapiling na ang kanilang mga mahal sa buhay,” sabi ni Marcos.

Dumating din sa miting de avance ang mga UniTeam senatorial candidates na sina Herbert Bautista, Harry Roque, Gibo Teodoro, Jinggoy Estrada, Larry Gadon, Rodante Marcoleta, Win Gatchalian, Mark Villar, Gringo Honasan, Robin Padilla, and Migz Zubiri habang isang video message naman ang ipinasala ni Loren Legarda.

Ang mga OFWs na sumali sa pagtitipon sa pamamagitan ng zoom ay mula sa Thailand, Vietnam, Hong Kong, Macau, Singapore, Brunei, Japan, New Zealand, Australia, Cambodia, Taiwan, Turkey, Cyprus, Switzerland, United Kingdom, Italy, France, Armenia, Spain, United Arab Emirates, Egypt, Qatar, Jeddah, Kuwait, Oman, Bahrain, Israel, Kingdom of Saudi Arabia, Canada, Chile, at iba pa.

Ayon sa pinakabagong datos ng Philippine Statistics Authority, 1.77 million Filipinos ang nagtatrabaho abroad noong 2020.

Base naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances ng mga OFWs ay tumaas ng 5.1 percent matapos maging $31.418 billion nitong 2021 mula $29.903 billion noong 2020.

170

Related posts

Leave a Comment