DPA ni BERNARD TAGUINOD LALO lamang napatunayan na sadyang isiningit sa 2025 national budget ang pondo sa mga ayuda para sa katatapos na midterm election dahil tuluyan nang itigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programang ito. Marami pa raw pondo para sa Assistant to Individuals in Crisis Situation (AICS), Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng DSWD, at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE). Sinuspinde ang implementasyon ng mga programang ito noong Mayo 1, 2025 o…
Read MoreDay: June 2, 2025
HINDI ID ANG GAMOT SA SAKIT
CLICKBAIT ni JO BARLIZO MATIBAY at murang identification card? ‘Yan ang deskripsyon ng isinusulong ni Senador Bong Go na Senate Bill No. 2983 o Philippine Health Card Act of 2025, na layong mabigyan ng malinaw na identification ang bawat Pilipino. Isa na namang dagdag na gastusin ng pamahalaan. Simpleng paalala ito ng nangyari sa National ID na ginastusan ng gobyerno ngunit nilamon ng samu’t saring problema. Hanggang ngayon marami pang tanong sa National ID na ‘yan at gaano ito kaepektibo lalo na’t may ibang tanggapan ang naghahanap pa rin ng…
Read MorePANGGIGIPIT SA ANTI-MARCOS MEDIA, VLOGGERS LALALA PA
PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMI ang naniniwala na lalo pang lalala ang panggigipit sa anti-Marcos media at vloggers dahil sa pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kay Major General Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP). Nauna rito, ilan sa mga mamahayag at vloggers ang ipinatawag sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos silang akusahan na sila ang nagpapalakat ng mga fake news. Ayon sa kanila, sa kanilang paglalabas ng anti-Marcos issues ay sinasabihan silang mga gumagawa ng fake news. Nais siguro ng kasalukuyang administrasyon…
Read MoreTSUPER NA ‘DI SUSUNOD SA STUDENT FARE DISCOUNT PARURUSAHAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga driver ng pampublikong sasakyan na maaaring parusahan sila kung hindi nila susundin ang pagbibigay ng diskwento sa mga estudyante sa ilalim ng Republic Act 11314, o ang Act Institutionalizing the Grant of Student Fare Discount Privileges on Public Transportation and for other Purposes. Ang paalala ay inilabas ng ahensya kaugnay ng nalalapit na muling pagbubukas ng klase, dahil marami sa mga pampublikong sasakyan ay binabalewala ang mga estudyante at hindi sinusunod ang iniuutos…
Read MoreIMPEACHMENT TRIAL VS VP SARA TATAWID SA 2OTH CONGRESS – CHIZ
(DANG SAMSON-GARCIA) NANINDIGAN si Senate President Francis Chiz Escudero na maaaring tumawid sa 20th Congress ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Gayunman, sinabi ni Escudero na wala ring makapipigil sa mga senador na miyembro ng 20th Congress na talakayin muli ang legalidad ng pagtawid ng proceedings. Nasa kamay rin anya ng mayorya ng mga senador sa 20th Congress ang pagdedesisyon kung itutuloy ang trial. Ipinaliwanag ng Senate leader na hindi naman sila maaaring bumuo ng mga regulasyon o gumawa ng anomang aksyon na magtatali sa kamay ng…
Read MoreIMEE MARCOS KINASTIGO SA KAWALAN NG HUSTISYA AT ACCOUNTABILITY
KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Senator Imee Marcos matapos niyang ideklarang ‘patay’ na ang impeachment case laban sa kanyang kaibigang si Vice President Sara Duterte-Carpio kahit hindi pa nasisimulan ang paglilitis. “Ito ang hirap sa mga taong hindi sanay na pinapanagot sa mga kasalanan sa bayan tulad ni senadora Marcos at VP Duterte. Akala nila na kahit magnakaw sila at ang kanilang pamilya ng bilyun-bilyon ay ok lang ito basta magpakalat lang sila ng fake news at disinformation para linlangin ang mga tao,” punto ni ACT party-list representative…
Read MoreKAHIT NAUDLOT EDSA REHAB, NCAP TULOY – DOTr
IPINAGPALIBAN man ang rehabilitasyon ng EDSA, tuloy naman ang pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP. Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, hindi limitado sa EDSA ang NCAP at isa itong mas mainam na paraan ng pagpapatupad ng batas-trapiko. Una nang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang buwang pagkaantala ng proyekto upang pag-aralan kung may mas bagong teknolohiya na maaaring gamitin para mapabilis ang rehabilitasyon ng 23.8-kilometrong kalsada. Ang rehabilitasyon ng EDSA ay inaasahang magdudulot ng matinding trapiko at nakatakdang tumagal hanggang taong 2027. Pinigil Na…
Read MoreFACE MASK WA EPEK SA MPOX – DOH
TALIWAS sa paniwala ng marami, hindi epektibong proteksyon laban sa monkeypox o mpox ang pagsusuot ng face mask. Paglilinaw ng Department of Health (DOH), ang sakit ay naipapasa sa pakikipagyakapan at halikan. Ayon kay DOH spokesperson Dr. Albert Domingo, hindi airborne ang mpox kaya’t hindi face mask ang pangunahing pansalag dito. Nabatid na ang mpox ay naipapasa sa pamamagitan ng physical contact, gaya ng balat-sa-balat, paghalik, o pagyakap kahit na walang pagtatalik. Kasabay nito’y pinakalma ng ahensya ang publiko dahil bagaman tumataas umano ang kaso ng mpox, mas mababa pa…
Read MoreJAPAN, US AT AUSTRALIA DEFENSE CHIEF NAGKAKAISA NA AYUDAHAN ANG PILIPINAS
NAGKASUNDO ang mga defense chief ng Japan, United States at Australia na tulungan ang Pilipinas na dagdagan ang defense capabilities ng bansa bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makalikha ng free and open Indo-Pacific region. Ang kasunduan ay nabuo sa ginanap na quadrilateral defense meeting sa Singapore noong nakalipas na linggo. Nagkaisa ang defense ministers na magluwas ng mga kagamitan sa Pilipinas para makatulong na mapalakas ang kakayahan ng bansa sa pagtatanggol sa karapatan nito sa bahagi ng South China Sea. Plano ng tatlong kaalyadong bansa ng Pilipinas na magsagawa…
Read More