BEACH RESORT CARETAKER PATAY SA PAMAMARIL

QUEZON – Patay ang isang 34-anyos  na  babaeng caretaker ng isang beach resort  matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek habang nasa isang kubo sa Sityo Paraiso, Barangay Guis-Guis Talon, sa bayan ng Sariaya noong Sabado ng hapon.

Ayon sa report ng Sariaya Police, dakong alas 5:20 ng hapon, nakatayo ang biktimang si Aiza Magboo sa harap ng isang kubo ng Beneraza Beach resort, at pasan ang kanyang 2-anyos na anak, nang pagbabarilin ng mga suspek na pagkaraan ay mabilis na tumakas.

Masuwerte namang hindi tinamaan ng bala ang paslit na pasan ng biktima.

Samantala, sa teorya ng mga awtoridad, may kinalaman sa illegal drugs ang motibo sa pamamaril dahil nasangkot ang ilang mga kaanak ng biktima at maging ang asawa nito, sa bentahan ng umano’y shabu. (NILOU DEL CARMEN)

235

Related posts

Leave a Comment