BENEPISYO NG HEALTHCARE WORKERS IBIGAY NA – SOLON

NANINDIGAN si Senador Christopher Bong Go na patuloy itong mananawagan sa Department of Health (DOH) na ibigay na ang benepisyo ng mga healthcare worker sa buong bansa.

Sinabi ni Go na may pera nang inilaan ang Department of Budget and Management (DBM) kaya walang dahilan para maantala ang benepisyo at hazard pay para sa magigiting na healthcare workers.

Ayon kay Go, hindi ito magsasawang magsalita araw-araw kung kinakailangan at ibubulong nito kay Pangulong Rodrigo Duterte  ang isyu.

Binigyang-diin ni Go na hindi basta-basta ang hirap ng trabaho ng mga health worker ngayong may COVID-19 pandemic kaya dapat lang na ibalik sa kanila ang pagkilala at benepisyong nararapat.

Samantala, iginiit ng senador na handa itong kasuhan kung mayroong mga dapat kasuhan sa pagpapabaya o pagkaantala ng mga benepisyo.

Ipinaalala ni Go na mayroon nang nasuspinde sa DOH dahil sa mga delay sa benepisyo ng mga namatay na health workers kaya dapat nang madala ang mga kinauukulan. (NOEL ABUEL)

182

Related posts

Leave a Comment