BENEPISYO TINIYAK NG PNP SA PAMILYA NI PSSG. MACUHA

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Philippine National Police sa nasawing pulis sa Balayan, Batangas na humabol sa suspek sa pagnanakaw.

Namatay si PSSg. Von Rico Bibaño Macuha, nakatalaga sa Sta. Teresita Municipal Police Station, habang nagsasagawa ng follow-up operation laban sa suspek sa pagnanakaw na si Carlo Arcilla Sape sa Barangay Sampaga noong Agosto 30.

Ayon sa ulat, nagpaputok ng baril si Sape habang tumatakas mula sa kanyang tinutuluyan at tinamaan sa ulo si Macuha na nagresulta sa kamatayan ng pulis.

“We deeply mourn the loss of Police Staff Sergeant Von Rico Bibaño Macuha, who made the ultimate sacrifice while performing his duty. His courage and dedication to protecting the public will always be remembered by the Philippine National Police,” ayon kay PNP chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Nag-deploy naman ang Batangas Police Provincial Office ng Provincial Police Intelligence Unit at Provincial Mobile Force Company upang suportahan ang nagpapatuloy na hot-pursuit operation laban sa suspek.

Samantala, tiniyak ni PGen. Nartatez sa pamilya ni Macuha na ibibigay ng PNP ang lahat ng kinakailangang tulong at benepisyo na nararapat para sa nasawing pulis, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

(TOTO NABAJA)

68

Related posts

Leave a Comment