BI MAIN BLDG., 2 ARAW SARADO PARA SA DISINFECTION

PANSAMANTALANG isinara ng dalawang araw ang Bureau of Immigration (BI) main office sa Intramuros, Manila simula nitong Lunes para bigyang daan ang ‘disinfection’ sa gusali sa gitna ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa isang advisory, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga transaksiyon sa bureau’s main office ay pansamantalang suspendido sa two-day period, ayon sa kanyang kautusan para sa ‘sanitation and disinfection’ ng buong gusali at lugar.

Kasabay nito, pinayuhan ang BI officials at employees na manatili muna sa kani-kanilang mga bahay. Gayunman ang skeletal force ng personnel ay mananatili sa kanilang duty para magpatakbo sa 24/7 offices ng ahensya, na mangangasiwa sa pagbibigay ng serbisyo at seguridad.

Pinayuhan din ni Morente ang transacting public na sa halip na magtungo sa BI main office ay sa BI offices sa Metro Manila na lamang, tulad ng BI SM North Satellite Office at sa BI SM Aura Satellite Office, at iba pa.

Ang mga tao naman na may kumpirmadong schedules via bureau’s online appointment system sa Lunes at Martes, ay pinayuhan na mag-reschedule ng kanilang appointments sa muling pagbubukas ng main office sa Miyerkoles.

Hinikayat din ni Morente ang publiko na laging mag-check sa bureau’s website sa www.immigration.gov.ph at kanilang social media accounts para sa listahan ng BI offices, pati na rin sa announcements and advisories. (JOEL O. AMONGO)

208

Related posts

Leave a Comment