BIENNALE ACTIVITY PARA SA MOMMIES AND DADDIES, MATUTUNGHAYAN ONLINE

Dahil sa epekto ng pandemyang naglayo sa tradisyunal na pag-aaral, ang mga magulang ay naghahanap ng ibang mga paraan upang turuan ang kanilang mga anak. Ngunit sa bagong akademikong pag-set up (modular at online), ang mga magulang ay nahaharap sa mga alalahanin sa kanilang kakayahang para harapin ang new normal na ito.

Paano nila makakayanan ang mga hamon ng pag-aaral ng kanilang mga anak sa bahay? Paano makatutulong ang sining?

Naniniwala ang CCP Arts Education Department sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa bawat bata. Ito ang dahilan na iminungkahi nila ang isang webinar na tinutugunan ang mga alalahanin ng mga magulang patungkol sa mga klase na gaganapin sa bahay bilang bahagi ng nagpapatuloy na Art Express: CCP’s Children Biennale.

Sa Nobyembre 20, ganap na alas-4 ng hapon, si Propesor Katherine Claudette A. Tandoc, na kilala rin bilang Teacher Claude, ay magbabahagi ng kanyang mga pananaw sa kung paano malalampasan ng mga magulang ang mga hamon ng bagong set-up na pang-edukasyon at kung paano ito masusulit ng mga bata. Ang webinar na ito ay live stream sa pamamagitan ng Batang Sining at CCP Facebook pages.

Ang guro na si Claude ay nagtuturo sa mga bata, kolehiyo, at graduate students sa mahigit na 25 taon.

Sa kasalukuyan, si Teacher Claude ay isang online part-time faculty sa Olivarez College sa Parañaque City at Trinity University of Asia. Nagturo siya sa mga programa sa college at graduates ng Department of Family Life and Child Development (FLCD) sa University of the Philippines – Diliman sa loob ng anim na taon, sinundan ng 10-taong karanasan sa pagtuturo sa De La Salle University-Manila. Siya rin ay isang full-time na faculty member ng National University sa loob ng isang taon at kalahati, nagtuturo ng propesyonal na edukasyon at mga paksa ng edukasyon sa Early Childhood sa mga mag-aaral sa college at graduates; at isang dating part-time faculty sa San Beda College – Alabang.

Siya ay isang consultant sa curriculum ng iba’t ibang mga paaralan sa Metro Manila, at isang isang resource person para sa Wyeth Philippines, na nagsasagawa ng mga lektura at workshops para sa mga pedyatrisyan sa buong bansa. Regular na nagbibigay si Teacher Claude ng mga seminar sa pagiging magulang at mga workshop sa pagsasanay sa guro. Siya ay isang guest resource person para sa programa sa radyo, SAKTO ng DZMM Teleradyo. Sa panahon ng pandemikong ito, si Teacher Claude ay nagsasagawa ng mga webinar para sa Dep-Ed at VIBAL Group.

Nakamit niya ang kanyang Bachelor of Arts major in Psychology sa University of St. La Salle, Bacolod City, at Master of Family Life and Child Development sa University of the Philippines, Diliman. Siya ay nasa kanyang ikatlong taon ng kanyang doctorate degree, kumukuha ng Ph.D. in SPED sa University of Perpetual Help, Las Piñas Campus. Siya ay ikinasal kay Earl Tandoc. Mayroon silang dalawang anak; Millicent, na 20 taong gulang, at si Cyril, na 16 taong gulang.

Samantala, bago ang webinar, sumali sa Arts and Parents workshop, facilitated ito ni Ms. Nikki Junia, sa parehong araw, alas-3 ng hapon, live streaming sa Batang Sining at CCP Facebook pages.

Nais ninyo bang masulit ng inyong anak sa paggawa ng sining ngunit hindi alam kung saan magsisimula? Naisip ninyo ba ang tungkol sa pagbuo ng pagpapahalaga sa sining sa inyong mga anak ngunit hindi ninyo alam kung paano sila makisali?

Ang educator at CCP trustee na si Ms. Nikki Junia ay tatalakayin ang responsibilidad ng pagiging magulang at ang papel na ginagampanan ng sining sa holistikong pag-unlad ng mga bata.

Ang mga magulang ay magkakaroon ng pagkakataong magtanong tungkol sa kung paano paunlarin ang pagpapahalaga sa sining sa mga bata at kung paano sila makisali sa paggawa ng sining.

Ang Arts and Parents workshop at ang webinar ay bahagi ng CCP Children’s Biennale, na nagpapatuloy hanggang Nobyembre 29. Ang pagdiriwang ay nagmula sa paniniwala na ang pagpapahalaga sa sining at edukasyon ay dapat magsimula sa murang edad. Nilalayon nitong hikayatin at paunlarin ang pagkamalikhain at masining na pagpapahayag sa mga bata, lumikha ng mga bagong gawa / aktibidad na nakatuon sa pagpapahalaga at halaga ng mga bata para sa sining, at makisali sa pakikilahok ng mga guardian at magulang sa pagpapanatili ng pagpapahalaga sa mga sining.

Para sa buong buwan ng Nobyembre, ang Biennale ay magkakaroon din ng iba’t ibang stations ng activities kung saan ang mga bata ay maaaring sumali gaya ng CURTAINS UP!, ARTS eXPRESS, ARTs PLAYGROUND, PELIKULIT, at ARTS CONNECT.

Para sa iba pang impormasyon, magsadya sa CCP website (www.culturalcenter.gov.ph) at sundan ang CCP and Batang Sining Facebook pages.

 

191

Related posts

Leave a Comment