TODO-HANDA na ang Philippine National Police (PNP) para sa Undas 2025 matapos ianunsyo na madaragdagan pa ang puwersa ng mga pulis na magbabantay sa mga sementeryo, columbarium, at matataong lugar sa buong bansa.
Mula sa 25,000, itinaas ng PNP sa 31,298 ang bilang ng mga uniformed personnel na ipakakalat para tiyaking ligtas, maayos, at mapayapa ang paggunita ng Araw ng mga Patay.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Randulf Tuaño, may karagdagang 11,707 personnel mula sa AFP, BFP, PCG, at iba pang ahensya na magsisilbing dagdag-puwersa sa operasyon.
Kasama rin sa mobilisasyon ang halos 30,000 force multipliers — mga barangay tanod, radio groups, at NGO volunteers — na tutulong sa crowd control, traffic management, at emergency response.
Sa ngayon, ayon sa PNP, wala pang nakikitang banta sa seguridad para sa Undas, ngunit tiniyak ni Tuaño na naka-full alert status na ang buong kapulisan upang agad makaresponde sa anumang insidente.
(TOTO NABAJA)
38
