BINATA PATAY SA PALO NG TUBO NG KAPWA OBRERO

NAMATAY habang inoobserbahan sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang isang 37-anyos na lalaki makaraang paluin ng tubo ng kapwa construction worker nitong Biyernes ng madaling araw sa Intramuros, Manila.

Kinilala ang biktimang si Mero Molidias, binata, ng Maria Natividad St., Sta. Cruz, Manila.

Kusang-loob namang sumuko sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel  Leandro Gutierrez, commander ng Ermita Police Station, ang suspek na si Magellan Barotea, 39, stay-in worker sa kinukumpuning Binondo Bridge sa Plaza Mexico, Magallanes, Intramuros, Manila.

Batay sa ulat ng pulisya, bandang alas-12:10 ng madaling araw, lasing umano ang biktima na parang naghahamon ng away sa kalsada.

Naalimpungatan umano ang suspek at pilit nitong sinasaway ang lasing na biktima.

Ngunit nagalit umano biktima na nagresulta sa kanilang pagsusuntukan.

Kalaunan ay nakakuha ng tubo si Barotea at pinalo nito sa ulo ang biktima.

Ilang mga kasamahan ang nagsugod sa biktima sa nasabing pagamutan subalit dakong alas-7:31 ng umaga ay nalagutan ito ng hininga. (RENE CRISOSTOMO)

346

Related posts

Leave a Comment