7 MOST WANTED PERSONS SA CAVITE, NASAKOTE

CAVITE – Pitong most wanted persons na may iba’t ibang kaso at kabilang sa top 1, 2, 3 at 4, ang natimbog sa bisa ng warrant of arrest, ng Cavite Police sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Kabilang sa arestado ang mga suspek na sina Jerico Ivan Dela Cruz, Nicasio Malabay, Jeric Guillera, Jobert Perena, Allan Magdaong, Jake Romao y Chavez at Joel Barde Dupa, nadakip sa bisa ng warrant of arrest.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:50 ng umaga noong Huwebes nang magsagawa ng operasyon kontra most wanted person (MWP), ang Imus City Police sa Brgy. Medicion 1D, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dela Cruz, na nasa listahan bilang rank no. 1 dahil sa kasong paglabag sa RA 6539 (Anti-Carnapping Law).

Nasa Listahan din ng top 1 MWP municipal at regional level si Malabay na naaresto sa bisa ng warrant of arrest sa Brgy. Lalaan 1, Silang, Cavite, ng mga operatiba ng Silang MPS, 401st A MC RMFB 4A, at CPMFC Intel dahil sa kasong rape in relation to Art. 266-B ng RPC.

Wala namang inirekomendang piyansa sa rank no. 2 MWP provincial level na arestado ng mga operatiba ng CIDG Cavite PFU (lead unit), Cavite PMFC, at 401st A MC RMFB4 sa Brgy. Queens Row East, Bacoor City, Cavite, dahil sa kasong rape.

Nasa listahan naman ng rank no. 3 MWP, municipal level si Perena na naaresto sa bisa ng warrant of arrest, ng Intel Operatives ng Amadeo MPS sa Brgy. Mangas 1, Alfonso, Cavite, dahil sa kasong acts of lasciviousness.

Pawang nasa listahan ng rank no. 4 MWP municipal level dahil sa kasong acts of lasciviousness, sina Magdaong na naaresto sa Brgy. Taywanak Ibaba, Alfonso, Cavite, at Romano na nadakip sa Brgy. San Miguel II, Silang Cavite

Naaresto naman si Dupra sa Brgy. Poblacion 1, General Mariano Alvarez (GMA) Cavite dahil sa kasong rape, (4 counts). (SIGFRED ADSUARA)

257

Related posts

Leave a Comment