CAVITE – Masusing iniimbestigahan ng Cavite Police ang kaso ng natagpuang bangkay ng isang 17-anyos na binatilyo sa loob ng isang barge makaraan itong lumangoy sa ilog sa bayan ng Kawit sa lalawigang ito.
Hinihinalang may ilang oras nang patay ang biktimang si alyas “Jhonvic,” ng Brgy. Gahak, Kawit, nang matagpuan ito sa loob ng barge makaraang lumangoy sa ilog sakop ng Brgy. Gahak sa naturang bayan, dakong alas-2:00 ng hapon noong Linggo, ayon sa ulat ni Pat. Troadio Balitaosan ng Kawit Municipal Police.
Ayon sa ulat, makalipas ang ilang minuto makaraang lumangoy ang biktima sa ilog ay natagpuan itong wala nang buhay sa loob ng barge dakong alas-4:30 ng hapon.
Inaalam pa ng pulisya kung nalunod ang biktima at kung paano napunta ang katawan nito sa loob ng barge. (SIGFRED ADSUARA)
