HINDI pinalampas ng mga pro-Duterte netizen ang banat ni Makati Mayor Abby Binay laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa social media, inilabas ng mga netizen ang ngitngit kay Binay matapos nitong soplahin si VP Sara na binatikos ang pamamahagi ng P20 kada kilong bigas sa Kabisayaan kahit ipinagbabawal ng Comelec.
Sa post ng news website na Politiko, inulan ng komento ng netizens na inuupakan si Abby Binay na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa.
Makikita sa https://www.facebook.com/politics.com.ph, aabot sa 113 comments, 166 reaksyon at tatlong shares na karamihan ay nanghihikayat na huwag iboto si Abby Binay bilang tugon sa pagbatikos kay VP Sara laban sa pamamahagi ng bigas na tig-P20 kada kilo kahit labag sa Omnibus Election Code.
Ayon kay Binay sa isang press conference na inilathala ng Politiko, “Sasabihin mo ba sa mga tao, ‘after the election na lang ha, doon ko lang ibibigay ‘yung murang bigas kasi sasabihin na namumulitika ako. Hindi naman po ganoon ang trabaho ng gobyerno. Kung maibibigay mo na ngayon, ibigay mo na. Hindi mo pwedeng sabihin na, O, mag-aantay ako ng magandang timing.”
Hindi ito pinalampas ng ilan na tila supporters ni Duterte na nasasalamin sa pagsusuri ng 3RD_AI_ na makababawas sa tsansa ni Abby Binay na makapasok sa Magic 12 ang pagbatikos sa ibang political figure tulad ni Duterte.
Tumutugma rin ang sitwasyon sa pagdedeklara ng “no vote” kay Abby Binay sa pag-aanalisa ng 3RD-AI_ na malaki ang posibilidad na malaglag ang alkalde sa Magic 12 na nakapuwesto ika-11-14 ng winning circle.
Narito ang ilan sa banat kay Abby Binay:
Damelin:
“Napakatrapo nito sariling pamilya ganid nag-away-away dahil sa position tapos takbo sa senaado”
Shaine:
“Ayan tayo eh Abby bitter, hanap ka naman ng ibang dahilan para iboto ka sawsaweri lang ang peg”
Maritoni:
“Hay naku isa pa ‘tong tiwali sa BINAY”
Robert:
“Eh pareho kc ang takbo ng isip nyo, Kyo nga sa pamilya ‘di pa mgkaisa, bka kulang pa para sa kampanya… Sa tagal ng panahon Ngayon lng sinugal ang bente para mtakpan mga sayang lng ang apelido nyo, Alam nyo ‘yan!”Taguigeño Tayo “Sabi ko sa inyo, WAG NA WAG nyo iboboto yang si ABBY BITTER.
