COCO MARTIN TODO ENDORSO SA FPJ PANDAY BAYANIHAN PL

BUONG pusong inendorso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Party-list sa makasaysayang grand rally na ginanap sa Pangasinan.

Aktibong lumahok si Coco sa motorcade kasama ang unang nominado na si Brian Poe at ang pangalawang nominado na si Mark Patron, bilang patunay ng kanyang suporta sa adbokasiya ng party-list.

Sa pagtitipon, sinabi ni Coco Martin, “Nandito ako para tumulong sa kanila dahil ako mismo ang nagsasabi sa inyo, itong mga taong ito ang tutulong sa inyo. Sinimulan ito ni FPJ, ipinagpatuloy ni Susan Roces, at ngayon ay ipinagpapatuloy nina Grace Poe at Brian Poe. Kaya’t taos-puso ko pong hinihiling na suportahan natin ang FPJ [Panday Bayanihan] Party-list sa darating na eleksyon.”

Ipinakita ng kanyang mensahe ang patuloy na malasakit ng Pamilyang Poe para sa mga Pilipino at ang kanilang tapat na paglilingkod sa bayan.

Binigyang-diin ni Coco ang matagal nang pagtulong ng FPJ Panday Bayanihan Party-list sa mga komunidad. Aniya, “Bago pa man sila tumakbo, bago pa man nila maisip na pasukin ang pulitika, tumutulong na sila. Si FPJ, mula pagkabata hanggang sa kanyang pagtanda, tumulong sa kapwa Pilipino nang tahimik, walang yabang, at hindi ipinagsasabi.”

“Ngayon na narito na ang FPJ [Panday Bayanihan] Party-list, sana ay tulungan natin sila upang mas matulungan nila tayong mga Pilipino.”

Layunin ng kanyang panawagan na hikayatin ang publiko na bumoto para sa party-list na tunay na naglilingkod at nagbibigay ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mamamayan.

Nagpahayag din ng taos-pusong pasasalamat si Brian Poe, “Saan man ako magpunta, napakainit ng pagtanggap sa akin dito sa Pangasinan. Ang concert na ito ay pasasalamat dahil habang ako’y umiikot, ibinabahagi ninyo sa akin ang mga kwento tungkol kay FPJ, ang kanyang mga nagawa para sa inyo, at ang kanyang mga pangarap para sa ating bayan. Tayong lahat dito ngayon ang magpapatuloy ng legasiya ni FPJ”.

Damang-dama ang kanyang pasasalamat sa suporta ng mga taga-Pangasinan. Sa pagtatapos ng programa, muling ipinahayag ni Coco Martin ang kanyang buong suporta kina Brian Poe at sa FPJ Panday Bayanihan Party-list.

62

Related posts

Leave a Comment