BIYAHERO SA NAIA NANAKAWAN NG PASALUBONG

HUMINGI ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pasaherong nawalan ng bagahe noong Biyernes pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa pahayag ng MIAA, “We extend our sincere apologies to Etihad passenger Ady Cotoco for his unpleasant experience upon arrival at NAIA Terminal 3 yesterday, September 8, 2022, when one of his baggage was discovered pilfered.”

Si Cotoco ay galing sa Madrid, Spain, at ayon sa kanya, nawala ang kanyang mga pasalubong na branded na sapatos, bags, perfumes at mga damit na tinatayang aabot sa 200,000 pesos ang halaga.

Ayon kay Cotoco, traumatized siya sa nangyari sa kanyang mga bagahe, lalo pa’t ngayon lang siya nakaranas na manawakan sa kanyang 23 years na pagbibiyahe.

Dagdag pa nito, “What if this happens to our fellow Filipinos na talagang pinaghirapan nila yung perang yun, binili nila for their loved ones at  biglang maglalaho o ninakaw?”

Lumitaw naman sa imbestigasyon ng MIAA na ninakaw ang mga pasalubong ni Cotoco hindi dito sa Pilipinas, batay sa footages na nakita ng mga ito.

Sa kasalukuyan, hinihintay ng MIAA ang Etihad airways sa ipagkakaloob na immediate assistance sa nasabing pasahero habang gumugulong ang imbestigasyon. (FROILAN MORALLOS)

172

Related posts

Leave a Comment