BOC NANGAKO NG KOOPERASYON AT PAKIKIPAGTULUNGAN SA INT’L CUSTOMS

BILANG kanilang pangako para sa international customs cooperation and collaboration, ang Bureau of Customs (BOC) ay aktibong nakiisa sa 24th World Customs Organization (WCO) Asia/Pacific Regional Heads of Customs Administrations (RHCA) Conference na ginanap mula 28-31 noong Mayo 2023 sa Perth, Australia.
Pinamunuan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang Philippine delegation, kasama sina Collector Rechilda Oquias, Chief ng BOC External Affairs Office at Ms. Denise Asantor mula sa Office of the Commissioner.
Kasama rin ang mga kinatawan mula BOC na nakibahagi sa mahalagang talakayan sa iba’t ibang usapin na may kinalaman sa customs admi­nistration.
Sa pamamagitan ni Australian Border Force (ABF) Commissioner at Comptroller-General of Customs na si Michael Outram APM, ang 24th RHCA Conference ay hatid ng customs administrations mula 22 Asia/Pacific Members.
Ang conference ay nagsilbi bilang mahalagang plataporma para sa palitan ng kaalaman, pinakamahusay na kasanayan at pagtalakay ng mga inisyatiba na magpapaganda sa regional customs na kapasidad.
Si Commissioner Rubio at kanyang team ay aktibong nakiisa sa conference sessions, na nag-ambag para sa mga pagtalakay sa mahalagang mga isyu hinggil sa pamamahala at pagpapakita ng makabuluhang mga inisyatiba sa pangu­nguna ng BOC.
Ang kanilang paglahok ay nagbigay-diin sa pangako ng gobyerno ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng kooperasyon at pagsusulong ng customs agenda sa Asia/Pacific Region.
Sa buong conference, ang mga delegado ay nagkaroon ng oportunidad para mahikayat ang esteemed guests, kasama sina WCO Secretary General, Dr. Kunio Mikuriya, at Assistant Secretary Kimberlee Stamatis mula Asia/Pacific Regional Vice-Chair Secretariat.
Ang conference agenda ay hinggil sa malawak na sakop ng mga paksa tulad ng ‘supply chain security, Customs-industry collaboration, at pagtatatag ng WCO-accredited Regional Dog Training Centers.’
Karagdagang nito, ang Phi­lippine delegation ay nagkaroon ng pribilehiyo na masaksihan ang kampanya na iprinesenta mula sa nag-aagawang mga kandidato para sa pwesto ng WCO Secretary General mula 2024 hanggang 2029.
Ang presensya nina Mr. Ian Saunders mula United States, at Mr. Philippe Kokou Tchodie mula Togolese Republic ay dagdag na pag-asa at pananabik sa conference, na naka-highlight ang kahalagahan ng hinaharap na pamunuan sa loob ng WCO.
Bukod dito, isang special industry guest speaker, ang National Risk Manager mula Mediterranean Shipping Company (MSC), ang nagbahagi ng mahahalagang insight sa paglahok ng kumpanya sa matagumpay na 2022 WCO Operation TIN CAN.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng supply chain security and collaboration sa pagitan ng customs administrations at ang pribadong sektor, at binigyan ng halaga ng speaker ang pangangailangan ng kooperasyon.
Sa nasabing conference ay sinaksihan ang paglalagda ng dalawang mahahalagang WCO instruments. Kabilang sa lu­magda ang Japan at ang WCO sa isang Memorandum of Cooperation, na nagpapatibay ng kanilang pangako sa pag-host sa Regional Intelligence Liaison Office (RILO A/P) mula 2024 hanggang 2028.
Karagdagan nito, ang Australia at ang WCO ay pormal na lumagda ng isang funding agreement para sa WCO Global Supply Chain Integrity Project, kasama ng Australia na nagsisilbi bilang delivery partner.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Commissioner Rubio para sa oportunidad na makiisa sa 24th RHCA Confe­rence at muling pinagtibay ang dedikasyon ng Bureau of Customs para sa makabagong customs administration at kooperasyon sa Asia/Pacific Region.
(JO CALIM)
301

Related posts

Leave a Comment