BOC PORT OF ILOILO BUMUO NG CUSTOMS BORDER PROTECTION-DIST. VI

BILANG pagsunod sa marching order ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na pagpapalakas ng border protection at control ng bawat collection district sa pagpigil sa anumang uri ng  smuggling at iba pang pandaraya, ang District Port of Iloilo ay bumuo ng composite team na tinawag na  ‘Customs Border Protection (CBP)- District VI’.

Ang CBP-District VI ay binubo ng 18 personnel mula sa ibat-ibang dibisyon ng Port na kinabibilangan ng Enforcement and Security Service (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Port Operations Division and Assessment Division.

Sakop nito, ang Collection District VI, Port of Iloilo at Sub-Port of Pulupandan kasama na ang mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras at Negros Occidental, highly urbanized cities ng Iloilo at Bacolod.

Pati na rin ang coastal areas, seaports, airports, wharves, bays at iba pang ­areas na nauuri bilang Customs jurisdiction.

Ang CBP-District VI ay magpapatupad ng police ­authority na ipinagkaloob sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na inimplementa ng by Customs Administrative Order (CAO) No. 03-2019 at iba pang Customs rules and regulations.

Ang orientation briefing ay pinangunahan ni District Collector Ciriaco Ugay noong nakaraang Enero 29, 2021, para talakayin ang may kaugnayan sa mga hakbang na dapat isagawa bago ang operasyon gayundin pagkatapos o ang post operations.

Kaugnay nito, hiningi rin ng Port of Iloilo ang tulong ng PDEA Region VI para magsagawa ng simulation exercises sa seaport at airport drug interdiction na makatutulong sa pagsabat ng mga kargamentong ilegal lalo na ng droga.
(Joel O. Amongo)

92

Related posts

Leave a Comment