(Ni JOEL O. AMONGO)
Lalo pang pinaganda ng Bureau of Customs (BOC) ang mga pamamaraan sa kasiguruhan at pagbabantay sa iba’t ibang hangganan ng bansa.
Ang BOC ay nagpatupad ng iba’t ibang repormang inisyatiba para magpokus sa automation ng kanilang systems at processes.
Matatandaaan na noong umupo si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, unang naging proyekto nito ay ang ‘fully computerize’ ng systems at technologies ng BOC.
Sa kasalukuyan, ang BOC ay may anim na information systems na nagawa noong Nobyembre 2018 na kinabibilangan ng Goods Declaration Verification System (GDVS), National Value Verification System (NVVS), Customer Care Portal System (CCPS), Document Tracking System (DTS), Alert Order Monitoring System (AOMS) at ang BOC Dashboard na kung saan ay ipinakilala sa mga stakeholder at ipinatupad nitong nakaraang Hulyo.
Layon nitong gawing makabago ang proseso ng Customs, mawala ang korapsyon, smuggling at mapalakas pa ang revenue collection.
Sa pamamagitan ng mga pagbabago ng systems ay inaasahang mapagaganda ang proseso at serbisyo ng Customs sa mga stakeholder at kaakibat naman nito ang magandang revenue collections.
Kasabay nito, nagbigay ng direktiba si Commissioner Guerrero sa Post Clerance Audit Group sa pamumuno ni Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla na magsagawa ng audit laban sa mga kilalang sangkot sa misinvoicing.
