BONG GO ‘KASABWAT’ SA DYNASTIC RULE

BINIRA ng malalaking organisasyon ng masang Filipino ang ginagawang “konsolidasyon” ng kapangyarihan ng pamilya Duterte na mapalawig pa hanggang 2028 sa Malakanyang sa ‘pakikipagkutsabahan’ umano ni Senador Christopher “Bong” Go.

Sa bisperas ng pagdiriwang ng ika-123 taon ng Araw ng Kalayaan, naglunsad ng kilos-protesta ang mga manggagawang kabilang sa NAGKAISA Labor Coalition at mga pangkaraniwang tao na kasapi ng Kalipunan ng Kilusang Masa (KALIPUNAN) sa ilang bahagi ng National Capital Region (NCR), kabilang na sa harapan ng embahada ng China, kung saan inilahad nila ang napapansing paghahanda ng pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte upang manatiling kontrolado ang pinakamataas at makapangyarihang posisyon sa pamahalaan.

Tinumbok ng NAGKAISA at KALIPUNAN na si Duterte ay “clinging on to power by consolidating his national dynastic rule come the 2022 elections”.

Ang konteksto nito ay ang paulit-ulit na balitang patatakbuhin ni Duterte si Go sa pagkapresidente ng bansa.

Katunayan, binanggit ni Presidential Spokesman Harry Roque Jr. na isa si Go na posibleng kandidato ni Duterte sa pagkapangulo.

Si Go ay beteranong alalay ni Duterte sa pamahalaang lungsod ng Davao.

Naging senador si Go noong 2019.

Naniniwala ang pangulo ng NAGKAISA na si Atty. Jose Sonny Matula na “kasabwat” si Bong Go sa sinasabing dynastic rule ni Duterte.

Sa pakikipag-usap sa telepono kay Matula, idiniin nitong “siyempre, kasama si Bong Go. Hindi puwedeng hindi siya kasama dahil dakilang alalay siya ni Duterte”.

Ang isa pang binanggit na pambato ng administrasyon ay anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Tiniyak ng dalawang politiko ng Albay at Camarines Sur na siguradong tatakbo si Sara sa pagkapresidente.

Ang makakatambal niya ay si dating Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. na pinsan ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Inilantad din ng dalawa na ang “specter of the country falling under the alliance of two dynasties” kung saan ang tinutukoy ay si Duterte at ang “Xi dynasty representing the power of China”.

Si Xi Jinping ang pangulo ng Republika ng China at pinuno ng Chinese Communist Party (CCP).

Ayon sa NAGKAISA: “China for sure will favor a continuation of rule by any Duterte to secure its possession of the West Philippine Sea. Duterte, on the other hand, will need China as well as the support of local dynasties in the country to preserve the status quo and perpetuate himself and his family to power”.

Inihayag ng NAGKAISA na parte ng “plano” ng alyansang Duterte at Xi ang “perpetuation and solidification of authoritarian rule through the imposition of draconian measures such as the anti-terror law, red-tagging, violence, trade union repression, and even militarization of the pandemic response”.

Ayon sa KALIPUNAN, ang ginagawa ng administrasyong Duterte na “economic cha-cha (Constitutional Change), allowing 100% foreign ownership of public utilities, lifting of the ban on mining, and the further liberalization of retail trade, among others” ay magbibigay sa China at ibang dayuhan na makontrol ang merkado at yaman ng bansa.

Kahit na ang proyektong pasok sa programang Build, Build, Build (BBB) ay ibinuhos sa “Chinese partners”, susog ng KALIPUNAN. (NELSON S. BADILLA)

141

Related posts

Leave a Comment