“NO, we cannot keep students at home for too long.”
Ito ang iginiit ni ACT-CIS party-list Rep. Jocelyn Tulfo dahil walang plano ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) na bumalik sa face-to-face classes sa susunod na school year.
“We cannot have another school year of this. We must not,” ayon pa sa mambabatas kaya kailangang gawin aniya ang lahat ng mga opisyal ng sektor ng edukasyon para makabalik na sa kanilang silid-aralan ang mga estudyante.
Sa Agosto sisimulan ang school year 2021-2022 at dahil hindi pa humuhupa ang pandemya sa COVID-19 ay mananatili ang distance learning kung saan sa kani-kanilang bahay nag-aaral ang mga estudyante.
Karaniwang reklamo ng mga magulang ay hindi nakapag-aaral o natututo nang maayos ang kanilang mga estudyante sa distance learning kumpara sa face-to-face classes.
“If and when the campuses reopen for face-to-face classes, it is probable the reopening would be gradual starting with the college level and graduate school level.
Thereafter, the senior high schools, followed by the junior high schools, and lastly, the Kinder to Grade 6,” mungkahi ng mambabatas.
Dahil dito, kailangang isama sa prayoridad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Task Force on Vaccination ang pagbabakuna sa mga kabataan lalo na’t mayroon nang COVID-19 vaccines para sa mga ito.
Maging ang mga guro at kanilang pamilya ay dapat isama na sa priority list ng TFV para masiguro ang kanilang kaligtasan sa COVID-19 at makabalik na ang mga ito sa silid aralan.
“At the very least, the college campuses should start reopening in the second half of 2021, while senior high school classes could resume in campuses under strict quarantine measures in late 2021,” ayon pa sa mambabatas. (BERNARD TAGUINOD)
80