BORING AT MAHIRAP IBENTA

ROLL VTR Ni VT ROMANO

KAHANGA-HANGA itong si pole vaulter EJ Obiena. Wagas na pagtulong sa kapwa atleta ang ipinakikita niya.

Sa halip ibulsa ang P250,000 ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang insentibo niya sa bronze medal finish sa World Athletics Championship sa Oregon nito lang nakaraang linggo, minabuti niyang ibigay ang nasabing halaga kay former Asia’s sprint queen Lydia de Vega-Mercado.

Bukod dito, ang kanyang advisor at nutritionist na sina James at Carol Lafferty ay tatapatan ang nasabing halaga para maging P500,000 bilang tulong pinansyal sa may sakit na athletics queen.
Malaking bagay para kay De Vega-Mercado ang nasabing halaga, lalo’t matinding gamutan ang kinakaharap niya laban sa kanser.

Nagkaloob na rin ng suporta ang PSC at POC at inaasahan nating pagkatapos mag-pledge ni Obiena, marami pang susunod na magpapaabot ng tulong kay De Vega-Mercado.

***

SA wakas, hindi lang basta tinalo ng Meralco ang Brgy. Ginebra. Nilaglag din ng Bolts ang Kings sa quarterfinals.

Gaya sa mga nakalipas na laro ng dalawang koponan, puno ng aksyon ang napanood nitong Linggo ng gabi sa MOA. Pisikalan din.

Katunayan, kontrobersyal pa nga ang huling tagpo, dahil sa offensive foul na itinawag ng reperi sa huling 10 segundo ng laro.

First time ng Meralco manalo against Ginebra in a playoff series. Lagi silang bigo, kahit nakakauna sila sa serye.

At ginawa ito ng Bolts habang wala si head coach Norman Black.

Si assistant Luigi Trillo ang humalili kay Black.

May pilyong nagbulong sa atin, by next conference head coach na si Trillo, habang si Black ililipat sa TNT (?).

Hmmm.

O, baka naman dahil magiging abala si coach Chot Reyes sa Gilas Pilipinas, kaya si Black muna hahawak sa TNT.

Sa semifinals, tapatan ng SMC vs MVP teams.

Sana lang ‘wag magharap ang parehong team ng SMC o MVP sa finals, kasi tiyak boring. Baka mahirapang ibenta ng PBA sa fans at langawin.

Mas magiging interesado ang fans kung Meralco kontra Magnolia o San Miguel Beer ang magkaharap sa finals.

Saka, tingin ko panahon na para mag-champion ang Meralco.

‘Wag lang itataas ang presyo ng kuryente!

128

Related posts

Leave a Comment