BOTCHA, SILAT NA NAMAN!

SILAT sa mapanuring mata ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang hindi bababa sa P30-mil- yong halaga ng mga iladong karne o higit na kilala sa tawag na botcha sa mga pamilihang bayan.

Sa kalatas ng kawanihan, hagip ang limang 40-footer container vans na pawang naglalaman ng botcha, makaraang makatanggap ang BOC ng isang timbre mula sa kanilang impormanteng nagbigay babala hinggil sa kargamentong nakapangalan sa kumpanyang Lycan Consumer Goods Trading sa Manila International Container Port.
Sa atas ni Customs Deputy Commissioner Romeo Allan Rosales, agad namang naglabas ng pre-lodgement control order na nagbigay hudyat sa mga kawani ng nasabing distrito na buksan at suriin ang laman ng limang 40-footer containers na tinukoy ng impormante.

Dito na tumambad ang samu’t-saring karneng taliwas naman sa idineklara ng importer. Agad na kinumpiska ng mga operatiba ng MICP ang naturang kargamento, kasabay ng pagtitiyak ni Rosales na sasampahan agad ng kaukulang asunto sa Department of Justice ang naturang kumpanya.

Direktiba naman ni Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero, huwag nang patagalin pa ang paghahain ng kaso.

 

160

Related posts

Leave a Comment