(NI JG TUMBADO)
ISINUGOD sa Philippine National Police (PNP) General Hospital si Peter Joemel Advincula, alyas “Bikoy”, dahil umano sa hilo at hirap sa paghinga bunsod na rin ng pagtaas ng blood pressure (BP) nito, Biyernes ng umaga.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kinailangang dalhin umano si Advincula sa ospital dahil sa nararanasan nitong pagkahilo at hirap makahinga dahil sa high blood ito.
“Biglang nagshoot-up yung BP niya na 130 over 90, at parang ang sinabi nya nahihilo raw sya, so pina-hospital muna namin sya, probably kailangan nyang magpahinga,” pahayag ni Albayalde.
“I think actually naka-hospital sya based from the feedback that I got,” saad pa ng opisyal sa press briefing nito.
187