BUDGET MAPIPIRMAHAN NA BAGO MATAPOS ANG MARSO

du301

(NI BERNARD TAGUINOD)

MAPIPIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.757 trillion budget ngayong taon bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Ito ang tiniyak ni House appropriation committee chair Rolando Andaya Jr., sa press conference Miyerkoles ng hapon na tamang-tama aniya dahil matatapos ngayon buwan ang first quarter kung saan gumagamit ng reenacted budget ang gobyerno.

“Actually ready for printing na. Of course (bago matapos ang buwan napirmahan ang national budget.) Yun naman ang time table because nagre-enacted budgte na tayo for one quarter. So tamang tama, March, finish na tayo,” ani Andaya.

 

                           P4.5 BILYON HEALTH FUNDS  NAGPADELAY SA NATIONAL BUDGET

 

Unang niratipikahan ang national budget noong Pebrero 8, 2019 subalit dahil sa health budget sa P4.5 Billion na parte ng Mababang Kapulungan sa P15 Billion lumpsum sa pondo ng Department of Health (DOH) para sa Health Facilities and Enhancement Program (HFEP) ay nadelay ang pag-enroll sa nasabing panukala kaya hindi agad ito napirmahan ni Duterte.

Nabatid kay Andaya na sa P15 Billion, P2.5 Billion dito ay parte naman ng mga senador habang ang natitirang P8 Billion ay ipinaubaya ng dalawang Kapulungan sa DOH.

Sinabi ng kongresista na hindi pare-pareho ang hatian ng mga kongresista sa P4.5 Billion na kanilang parte sa P15 Billion lumpsum ng DOH budget subalit ang pinakamalaking matatanggap ng mga kongresista ay umaabot ng P25 Million.

“Nothing illegal, nothing unconstitutional,” paglalarawan ni Andaya sa matatanggap na parte ng mga mambabatas sa P4.5 Billion taliwas sa iniisip ng mamamayan dahil ina-itemize aniya ng kanilang mga kasamahan kung saan gagamitin ang pondong ito sa kanila-kanilang distrito.

Dahil dito, nadelay ang pag-iimprenta aniya ng national budget dahil inantay ang mga proposal ng mga Kongresista kung saan nila gagamitin ang kanilang parte sa HFEP.

 

 

 

148

Related posts

Leave a Comment