RIZAL – Patay ang isang Indian national nang tambangan at pagbabarilin ng riding in tandem sa Kasiglahan Village, sa bayan ng Montalban sa lalawigang ito.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya, kinilala ang biktimang si Gursewak Singh, nasa hustong gulang, habang tumakas naman ang mga suspek lulan ng motorsiklo.
Dakong alas-8:30 ng umaga noong Agosto 10, sakay ang biktima ng Honda beat motor nito sa Blk. 26 Phase 1A, Kasiglahan Village, Brgy. San Jose nang biglang sumulpot ang riding in tandem at siya ay pinagbabaril na agad nitong ikinamatay
Target ng manhunt operation ng pulisya ang mga suspek at nililikom na ang CCTV footage sa lugar hinggil sa insidente.
Sinisilip ng pulisya ang anggulong away sa negosyo at iba pang motibo sa insidente. (ENOCK ECHAGUE)
