Buong P165-B hindi pa nailalabas BAYANIHAN ACT 2, PAPALPAK

INAASAHANG papalpak na naman ang pamamahagi ng pondo para makabangon ang mga Filipino at ang ekonomiya ng bansa dahil huling araw na ng Bayanihan Act 2 sa Disyembre 19, ngunit hindi pa nailalabas ang buong P165 bilyong nakalaan dito.

Ang pagkaantala nang husto sa pamamahagi ng pera ng pamahalaan ay naganap din sa pagpapatupad ng naunang Bayanihan Act 1, o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Hunyo 5 ang huling araw ng implementasyon nito, ngunit naglabas uli ng panibagong batas ang Kongreso upang mapalawig ang buwan sa paglalabas ng P275 bilyong pondo ng Bayanihan Act 1.

Kamakailan, inamin ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi pa nagagamit ang buong P165 bilyong inilaan sa Bayanihan Act 2.

Dahil dito, may ilang senador ang nanawagan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang paggamit ng pondo dahil hindi na puwedeng galawin ang pera sa Bayanihan Act 2 matapos ang Disyembre 19.

Sa Kamara de Representantes ay mayroon nang inihaing House Bill 8063 na nagpapalawig sa buhay ng Bayanihan Act 2 ng hanggang Marso 27, 2021.

Inaasahan ding mayroong senador na maglalabas ng kanyang bersiyon bilang pangtapat sa HB 8063, o di kaya tanggapin ng Senado nang buo ang nasabing panukala.

Huling araw ng sesyon ng Kongreso sa Disyembre para ngayong taon at magbubukas ito sa Enero 18. (NELSON S. BADILLA)

132

Related posts

Leave a Comment