BASBAS NI DUTERTE HIHINGIN SA LEONEN IMPEACHMENT CASE?

HINDI kikilos ang pamunuan ng mababang kapulungan ng Kongreso hangga’t hindi nagbibigay ng basbas ang Malakanyang sa impeachment case na isinampa laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen.

Ito ang pahiwatig ng isang impormante ng SAKSI Ngayon na humiling na huwag siyang pangalanan.

Bagama’t umiiral ang separation of power ng tatlong sangay ng gobyerno, hihingin muna umano ni House Speaker Lord Allan Velasco ang ‘basbas’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong inihain ni FLAG secretary-general Ed Cordevilla laban kay Leonen sa Kamara noong nakaraang linggo.

“Next year na daw (haharapin). Tanungin daw muna nya si lolo,” ayon sa impormante na ang tinutukoy na lolo ay si Pangulong Duterte.

Ang tatlong sangay ng gobyerno na kinabibilangan ng ehekutibo, lehislatura at hudikatura ay may tinatawag na separation of powers kung saan independent ang isa’t isa.

Ayon sa impormante, ayaw magdesisyon ng sarili si Velasco kung ano ang gagawin sa impeachment case na isinampa ni Cordevilla laban kay Leonen na inendorso na ni Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba.

Noong nakaraang linggo rin ay sinabi ni House deputy speaker Rufus Rodriguez na palilipasin muna ang Pasko bago harapin ang impeachment case laban kay Leonen dahil wala nang panahon.

“I think, no more time. We already have our recess sometime December 18 so we really have material time because wala pa ngang order of business so therefore, probably reach (the committee) next year for the determination of form and substance,” ani Rodriguez na siya ring vice chairman ng House committee on justice.

“We cannot rush this because we are talking here of the member of the highest magistrate, the highest court of the land. Looking at our calendar we cannot start hearing this Christmas season,” dagdag pa ni Rodriguez.

Si Leonen ay sinampahan ng kasong culpable violation of the constitution dahil sa hindi pagresolba agad sa mga kasong hawak nito sa Korte Suprema at biased umano sa mga desisyon nito kapag mga miyembro ng nakaraang administrasyon ang nasasakdal.

Bukod dito, paglabag din umano sa Saligang Batas ang agad na pagresolba ni Leonen na siyang presiding chairman ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) sa mga election protest laban sa mga nakaupong kongresista tulad ni Marikina Rep. Estella Quimbo.

Bukod sa culpable violation of the constitution ay kinasuhan din ng betrayal of public trust si Leonen dahil sa hindi nito paghahain ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) sa loob ng 15 taon bago ito inappoint sa SC noong Nobyembre 21, 2012 ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ang tangkang pagpapa-repair sa villa sa SC compound sa Baguio City sa gitna ng pandemya. (BERNARD TAGUINOD)

118

Related posts

Leave a Comment