CA BINALIGTAD DESISYON NG LOWER COURT SA ISANG DRUG CASE VS DE LIMA

Binaligtad ng Court of Appeals ang pagpapawalang-sala ng Muntinlupa RTC Branch 204 kay dating Senadora Leila de Lima sa isang kaso ng droga noong 2023.

Pinaboran ng CA ang hiling na petition for certiorari na inihain ni Office of the Solicitor General Menardo Guevarra.

Paliwanag ng CA, ang isang desisyong may matinding pag-abuso sa kapangyarihan ay hindi maituturing na lehitimong acquittal na sakop ng proteksyon laban sa double jeopardy.

Dahil dito, tinitingnan kung mabubuksang muli ang trial para sa drug charge ni de Lima na una nang binsura ng Muntinlupa RTC Branch 204.

Ang desisyon ay may petsang April 30, 2025, pero nailabas nitong May 15.

Noong Hunyo 2024 nang ibasura ng Muntinlupa Court ang ikatlo at huling drug case na isinampa laban sa dating senadora na kritiko ng administrasyong Duterte.

(JULIET PACOT)

71

Related posts

Leave a Comment