20 PATAY SA MIDTERM ELECTION 2025

BAGAMA’T may naiulat na mga insidente sa ilang lugar gaya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM at lalawigan ng Abra, ito ay isolated cases lamang at agad namang inaksyonan ng ating mga kapulisan,” ayon kay PNP Public Information Office chief, Col. Randulf Tuaño.

Ayon pa kay Tuaño, ang mababang bilang ng ERIs ay bunga ng pinaigting na security operations, close coordination sa Commission on Elections (Comelec) at sa Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang maagap na deployment ng mga pulis sa natukoy na election areas of concern.

“Ang 53 percent na pagbaba ng ERIs ay patunay ng mas pinaigting, mas pinagtibay at mas pinagbuklod na pagbabantay ng PNP lalo na sa mga lugar na itinuturing na areas of concern,” paliwanag ng opisyal.

“Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay buong puwersa ang ibinuhos — mula sa mahusay na deployment, sapat na kagamitan, matinding pagsasanay, at mahigpit na koordinasyon sa Comelec, Armed Forces of the Philippines, local government units at iba pang katuwang na mga ahensya,” dagdag pa ni Tuaño.

(JESSE KABEL RUIZ)

63

Related posts

Leave a Comment