ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Colonel Randolph Cabangbang bilang susunod na Presidential Security Group (PSG) commander.
Pinalitan ni Cabangbang si PSG Commander Jesus Durante III, ayon kay PSG spokesperson Major Zeerah Blanche Lucrecia.
Ani Lucrecia, si Durante ay itinalaga bilang commander ng Philippine Army’s 1001st Brigade sa Davao de Oro.
Bago ang naunang appointment, si Cabangbang ay nagsilbi bilang deputy commander ng Task Force Davao at hepe ng second infantry division sa Tanay, Rizal.
Si Cabangbang ay pang-limang PSG chief simula nang maupo sa Malakanyang si Pangulong Duterte noong 2016. (CHRISTIAN DALE)
397 