CABINET NI PBBM ‘DOING A GOOD JOB’

WALA pang nakikitang problema si Senador Christopher “Bong” Go, miyembro ng Commission on Appointments (CA) sa mga itinalagang Cabinet members ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakatanggap si Go ng official list ng appointees subalit base sa kanyang obserbasyon, ang gabinete ni Pangulong Marcos ay ‘nagtatrabaho’.

“Hindi pa dumating sa amin ‘yung listahan formally pero so far, nakikita ko na nagtatrabaho naman sila,” ayon kay Go sa isang panayam sa   Barangay Maliksi 2, Bacoor City, Cavite, nitong Linggo.

“Kung qualified naman po ay susuportahan natin at ipaalala sa kanila na unahin ang pagseserbisyo. ‘Pag pumasok tayo sa gobyerno ay unahin natin ang interes ng mga kababayan natin, interes ng bayan, interes ng bawat Pilipino,” dagdag na pahayag ni Go. (CHRISTIAN DALE)

307

Related posts

Leave a Comment