MATAPOS ang mga pulis, mga miyembro naman ng Bureau of Jail Management and Penology at mga barangay sa Lungsod ng Caloocan ang sumailalim sa urban agriculture seminar.
Sa pangunguna ng mga kawani ng People’s Law Enforcement Board at Caloocan City Parks and Administration Services, binigyan ng kaalaman ang mga dumalo hinggil sa tamang proseso ng pagtatanim maging sa siyudad.
Layunin ng programang ito na patuloy na itaguyod ang urban agriculture project sa Lungsod ng Caloocan na malaki ang maitutulong sa kabuhayan at pagkain ng mamamayan.
Noong 2020 ay lumagda si Mayor Oscar Malapitan sa isang memorandum of agreement kasama ang Department of Agriculture at Philippine Seed Industry Associate upang maging bahagi ng urban agriculture program ang Caloocan. (ALAIN AJERO)
240 