‘CANCEL CULTURE’ ANG KIKITIL SA MALAYANG PAMAMAHAYAG

KAPANSIN-PANSIN sa panahon ngayon ang benepisyo ng teknolohiya at social ­media sa komunikasyon dahil mas napapalapit tayo sa ating mga mahal sa buhay kahit pa sila ay nasa malalayong lugar.

Dagdag pa, mas malawak na ang naaabot ng impormasyon dahil karamihan sa atin ay marunong na mag-internet.

Sa kabilang banda, may mga iba ring epekto ang pag-usbong ng social media, katulad na lamang ng “cancel culture” kung saan ang mga katayuan o career ng mga indibidwal na naghahayag ng saloobin sa mga maiinit na isyu, ay maaari nang ­maapektuhan kung hindi ito katanggap-tanggap sa mga netizen.

Kamakailan lamang, si Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang naging target ng cancel culture nang suspindehin ng Facebook ang kanyang social media page matapos itong i-report ng ilang mga netizen.

Ayon sa kompanyang nagmamay-ari sa Facebook, may mga ilang community standards ang nilabag ng nasabing Facebook page ngunit agad din itong binawi nang aminin ng kompanya na isang pagkakamali na ma-flag ito bilang fake account.

Ayon naman kay Atty. ­Rodriguez, ang ­pagsuspinde ay isang “censorship of the highest degree and ­interference on a sovereign act, digital terrorism no less.”

Si Atty. Rodriguez ay isang napaka-responsable at kagalang-galang na indibidwal at advocate ng pagkakaisa. Kung ating titingnan, kahit

kailan ay hindi tayo nakarinig ng maaanghang na salita mula sa kampo ni BBM na kanyang pinamumunuan, magmula no­ong paghahain ng kandidatura hanggang ngayon na nalalapit na ang halalan.

Ang Pilipinas ay isang malayang bansa. Katulad ng ating karapatang bumoto, mayroon din tayong karapatan sa malayang pamamahayag. Subalit ito ay tila walang saysay kung ang karamihan sa mga mamamayan ay hindi makakapaghayag ng kani-kanilang opinyon nang walang kaakibat na panunuligsa o pagkontra mula sa publiko at mga kinauukulan.

Ang pag-impluwensya at pagbawi ng suporta dahil lamang sa opinyon, kailan ma’y hindi makatutulong sa indibidwal upang matuto sa pagkakamali.

Dagdag pa, ang cancel culture ay hindi epektibo kung ang layunin nito ay ang pagbibigay ng social justice.

Ayon kay Matt Haig, isang progressive mental health ­writer, ang cancel culture ay anti-progress at ito ay anti-change. Ayon sa kanya, mas tinutulak lamang umano ng kulturang ito ang mga tao upang humanap ng ibang mga paraan o plataporma kung saan nila mailalabas ang kanilang mga masasamang pananaw.

Dapat na nating puksain ang kasanayang cancel culture bago pa man nito limitahan ang iba pang mga bagay bukod sa ating kalayaan sa pagpapahayag. Maaari naman tayong ­makipagdiskusyon, ngunit alalahanin na palagi nating piliin ang developmental discourse.

457

Related posts

Leave a Comment