CARGO MOVERS, KAMPEON!

(PHOTOS BY MJ ROMERO)

HINDI pumayag ang F2 Logistics na umabot pa ng Game Three ang serye.

Kaya naman, makaraan ang five-setter Game One win noong Sabado, siniguro ng Cargo Movers na tatapusin nila ang Game Two sa mas maikling sagupaan, nang talunin sa straight set ang Cignal HD Spikers, 25-14, 25-16, 25-19, upang ibulsa ang 2019 PSL All-Filipino Conference Finals, kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humugot ng lakas mula kay playmaker Kim Fajardo, nagsanib-puwersa sina Kim Kianna Dy, Kalei Mau at Majoy Baron na sinamanala ang kahinaan ng HD Spikers sa reception para sa 23-10 count sa opening set.

Sa sumunod na set, ipinagpatuloy ni Mau ang opensiba ng F2 Logistics. Mula sa dikitang 11-10, ang Cargo Movers ay nagawang palobohin ang kalamangan nila, 23-16 bunga ng mga atake ng 6’2” Fil-Hawaiian sa likod.

Sa third set, sinimulan ni Galang ang atake para sa 6-0 run at mula sa 12-11 count ay ginawang 18-11 bentahe ng F2.

Nakahabol ang Cignal sa pamamagitan ni Ranya Musa. Pero, agad itong pinawi ni Dy na dinala sa 23-18 ang iskor.

Hindi na nagpaawat pa ang Cargo Movers nang gawin itong 24-19 ni Desiree Cheng at tinapos ni Mau ng isa pang back row attack.

279

Related posts

Leave a Comment