ITINALAGA na ng Joint Task Force Corona Virus Shield (JTF CV Shield) ang PNP-Highway Patrol Group (HPG) para bantayan ang biyahe ng mga cargo na bumibiyahe sa Luzon na saklaw ng enhanced community quarantine (ECQ) para mapabilis at makaiwas sa paulit-ulit na checkpoint.
Ang JTF CV Shield ang siyang umaaktong enforcement arm ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar, JTF CV Shield commander, aprubado ni PNP Chief Archie Gamboa ang desisyon na i-deploy ang mga HPG personnel para matiyak na hindi mahaharang at mababalam ang galaw ng mga kargamento sa gitna ng ipinatutupad na home quarantine rules.
Base sa JTF CV Shield plan, ang PNP-HPG ang siyang naatasan na mag-set-up ng Dedicated Control Points or DCPs sa mga provincial boundary at iba pang strategic areas kung saan madalas sumasampa ang cargo vehicles. JESSE KABEL
306 