SAPILITANG inilikas ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga residente sa Smokey Mountain sa Tondo, Maynila bunsod ng pagguho ng lupa dulot ng ilang araw na pag-ulan dala ng bagyo at habagat. Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang force evacuation matapos ang nangyaring tatlong beses na pagguho ng lupa makaraan ang ilang araw na pag-ulan. Agad na kumilos ang mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Department of Social Welfare (MDSW) at Manila Police District para ilikas ang nabanggit na mga residente. Ayon…
Read MoreCategory: BALITA
600 JEEPNEY DRIVERS SA MAYNILA INAYUDAHAN NG DSWD
INAYUDAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 600 jeepney drivers na bumibyahe sa Maynila. Ang nasabing mga jeepney driver ay pawang mga miyembro ng Pasang Masda na nahirapang bumiyahe nitong nakalipas na mga araw dahil sa sunod-sunod na pag-ulan bunsod ng bagyo at habagat. Nabatid na lubos na naapektuhan ang mga jeepney driver sa kanilang pagpasada bunsod ng pagbaha kaya’t hindi nakabiyahe. Mismong si Ka Obet Martin na presidente ng Pasang Masda, ang humiling nito kay DSWD Sec. Rex Gatchalian na agad naman pinagbigyan ng kalihim. Ang…
Read MorePNP AIR UNIT NAGRONDA SA METRO MANILA PARA SA SONA SA LUNES
NAGSAGAWA ng sky patrol at probling flight ang PNP Air unit sa Metro Manila bilang paghahanda sa SONA ni Pangulong Marcos sa Lunes. Layon na subukan ang kahandaan ng mga piloto at air assets na ideploy para sa ikaapat na SONA ni PBBM sa Batasang Pambansa. Mismo ang hepe ng Air Unit na si Police Col. Serafin Fortuno Petalio II, ang nanguna gamit ang H125 Airbus helicopter mula sa Manila Domestic Airport. Kahit masungit ang panahon dulot ng habagat at bagyo ay maayos namang naisagawa ng police aviators ang pagpapatrolya.…
Read MorePARTY-LIST SOLON, PABOR SA SIMPLENG SONA
PABOR si Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na gawin lamang simple subalit maayos ang kasuotan sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, Hulyo 28. Katunayan, sinabi ni Ordanes na simpleng Barong Tagalog lamang ang kanyang isusuot para marinig ang ulat sa bayan ng Pangulo. “Naka-Barong ako tuwing pumapasok sa regular session days. At sa araw ng SONA sa Lunes, ganoon pa rin ang isusuot ko. Usual office attire,” saad ng kongresista. Gagawin aniya ito bilang pagsuporta sa panawagan…
Read MorePAGLAGI NI PBBM SA BLAIR HOUSE, MAKASAYSAYAN – AMB. ROMUALDEZ
BINIGYANG-DIIN ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez ang kahalagahan ng paglagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Blair House sa Washington, D.C. sa kanyang tatlong araw na official visit. Sa panayam ng mga miyembro ng Philippine media sa Philippine Embassy nitong Linggo bago ang pagdating ni Pangulong Marcos, sinabi ni Romualdez na may malaking ibig sabihin ang paanyaya ni United States President Donald Trump na doon tumuloy ang Pangulo. “Kapag inimbitahan kang tumira sa presidential guest house dito sa Washington, ibig sabihin ay binibigyan ka…
Read More3K TAUHAN NG PASIG LGU NAKAALERTO SA PAGTAAS NG WATER LEVEL NG LAGUNA DE BAY
NAKAALERTO ang tatlong libong mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Pasig City na naka-assign bilang bahagi ng incident management team bunsod ng heavy rainfall warning at binabantayang water level ng Laguna de Bay. Ayon sa social media post ni Mayor Vico Sotto, umabot na umano sa “critical high threshold” o nasa 12.5 metro na nitong Hulyo 24 ang nasabing lawa na nangangahulugang tataas ulit ang tubig sa mga ilog ng Pasig at magiging mabagal ang pagbaba nito. “Our people remain ready and equipment prepositioned. Evacuation sites also. Nagsimula na…
Read MoreMGA DADALO SA SONA INAWAT SA ‘FASHION SHOW’
PINAYUHAN ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga mambabatas kasama na ang kanilang asawa at maging ang mga bisita na simplehan ang kanilang damit sa pagdalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Lunes, July 28. Sa virtual press conference kahapon, sinabi ni Iloilo Rep. Janette Garin na iminungkahi umano ni Leyte Rep. Martin Romualdez na iwasan ang pagsusuot ng mga bongga at mamahaling damit sa SONA. “Napag-usapan na dapat simple na lang sa SONA. Dapat hindi na marangya, dapat hindi…
Read MoreEDCA SITES PINAGANA PARA SA RELIEF, RESCUE OPS
AKTIBO na ngayon ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site na nasa estratehikong lugar upang palakasin ang relief, rescue and retrieval operation sa gitna ng panibagong banta ng pananalasa ng Bagyong Dante at Emong. Kinumpirma ng Office of Civil Defense (OCD) ang mas pinaigting na koordinasyon ngayon sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (U.S. Indo-PACOM) para mapalakas ang pagtugon sa kalamidad. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod na rin ng high level…
Read MoreUS NAGLAAN NG P3-B AYUDA SA PILIPINAS
NAGLAAN ang gobyerno ng Estados Unidos ng P3 billion (USD 60 million) na foreign assistance sa Pilipinas, itinuturing na unang anunsyo sa alinmang bansa mula nang itigil ng Estados Unidos ang karamihan sa foreign aid commitments nito noong Enero. Sa katunayan, tiniyak ng US Embassy sa Maynila na ang pagpopondo, idinaan sa US Department of State, ay susuporta sa mga programa sa enerhiya, maritime security, at paglago ng ekonomiya sa Pilipinas. Ang aid announcement ay ginawa matapos ang pagpupulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Secretary…
Read More