KAMARA TAHIMIK SA GASTOS SA SONA 2025

Matapos bakbakan ng netizen noong nakaraang taon sa ginastos sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mistulang tikom ang bibig ng liderato ng Kamara sa gagastusin ngayong 2025 SONA. Kahapon ay isinagawa ang final walkthrough bilang bahagi ng preparasyon sa ikaapat na SONA ni Marcos sa July 28 at mula bukas, Miyerkoles ay magpapatupad na ng mahigpit na seguridad sa Batasan Pambansa. Sa press conference kahapon ng tagapagsalita ng Kamara na si Atty. Princess Abante, sinabi nito na wala siyang idea kung magkano ang…

Read More

PAGPAPALIBAN SA 2025 BSKE PINABI-VETO KAY MARCOS

MULING hinikayat ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-veto ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)sa Disyembre 2025 at itinutulak ang halalan sa Nobyembre 2026. Para kay Macalintal, ang pagpapaliban sa 2025 BSKE ay pagsikil sa karapatan ng mga Pilipino na bumoto. Bukod pa sa pagiging unconstitutional nito dahil sa unang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang 2022 BSKE Postponement Law (RA 11935). Sa ilalim kasi ng panukalang niratipikahan ng Kongreso, ang mga barangay official…

Read More

ILANG SANGKOT SA E-SABONG KINAKAUSAP NG DOJ

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Crispin Remulla na may ilang tao na sangkot sa e-sabong ang kinakausap na nila. Umaasa ang kalihim na malaki ang maitutulong ng mga ito sa imbestigasyon sa pagkawala ng ilang mga sangkot sa naturang sugal. Naniniwala naman si Remulla na kung may sapat na batayan at matibay ang salaysay ng mga ito ay posibleng makatulong sa paglutas ng kaso. Gayunman aniya, patuloy pa rin sila sa pagkalap ng mga impormasyon kay Julie Patidongan o alyas “Totoy” na kabilang din sa pinagbabatayan nila ng mga impormasyon. Mabigat…

Read More

GOITIA IDINEPENSA SI FL LIZA

NAGLABAS ng kanyang saloobin si Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus of Four Philipinism Nationalist Democratic Advocacy groups kaugnay sa kamakailang usapin na nag-uugnay kay Unang Ginang Liza Marcos sa pagkamatay ng isang negosyante. Tinuligsa ni Goitia, chairman emeritus ng mga grupong: People Alliance for democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa KAPAYAPAAN at DEMOKRASYA (ABKD), Liga Independencia Pilipinas (LIPI) at Filipinos Do Not Yield (FDNY- Movement), ang aniya’y mga malisyosong akusasyon laban sa maybahay ni Pangulong Bongbong Marcos. Narito ang kanyang pahayag: “Sa mahabang taon ng…

Read More

PAGBABALIK NG QUAD COMM NILA-LOBBY NG MGA DATING MIYEMBRO

TILA nagla-lobby ang mga dating lider ng Quad Committee sa mga miyembro ng 20th Congress na buhayin ang nasabing komite at ituloy ang imbestigasyon sa mga sindikato ng Chinese nationals sa bansa, katiwalian sa gobyerno at mga pagpatay. Noong 19th Congress, binuo ang Quad Comm na nag-imbestiga sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), Extrajudicial killings noong kasagsagan ng war on drugs, illegal drug trade kung saan nahagip ng mga ito ang anila’y “high-level corruption’ sa loob gobyerno. Binubuo ito ng committees on Dangerous Drugs na pinamunuan ni dating Surigao del…

Read More

SINOPLA SA KAMARA: PADILLA MAINIT LANG SA BATANG ‘KRIMINAL’

SINUPALPAL ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Sen. Robin Padilla dahil habang gusto niyang absweltuhin sa pagpatay si dating pangulong Rodrigo Duterte ay nais naman niyang parusahan ang mga batang nagkakasala sa batas. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Renee Co, wala sa hulog ang panukalang batas ni Padilla na naglalayong ibaba sa minimum age ang maaaring mapanagot sa mga heinous crime tulad ng parricide, murder, infanticide, robbery with homicide o rape, at drug-related offenses. Nais ni Padilla na lahat ng magkakasala sa nasabing krimen na edad 10…

Read More

MATINDING PAGBAHA SA PALAWAN PAIIMBESTIGAHAN SA SENADO

NANAWAGAN si Senator Erwin Tulfo ng agarang imbestigasyon sa paulit-ulit at matitinding pagbaha sa Puerto Princesa City, Palawan matapos ang panibagong insidente nitong nakaraang Biyernes, Hulyo 18. Halos isandaang pamilya ang sinagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang barangay sa lungsod matapos bahain ang kanilang mga kabahayan dulot ng Bagyong Crising. Ayon sa ulat, higit sa 6,000 pamilya mula sa 31 barangay ang naapektuhan at nawalan ng tirahan. Matatandaang Pebrero ngayong taon nang mapasailalim sa state of calamity ang lungsod nang malubog ito sa baha dahil lamang sa “shear…

Read More

3 PATAY, LIBONG BAKWIT INIWAN NG ‘CRISING’, HABAGAT

NAGTALA na ng tatlo kataong nasawi, tatlong nasugatan at libo ang dinala sa evacuation centers dulot ng pagsasanib ng Severe Tropical Storm Crising (international name: Wipha) at Southwest Monsoon (Habagat). Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng umaga, sinabi nito na ang dalawang nasawi ay mula sa Northern Mindanao, habang ang isa naman ay mula sa Davao Region. Ang lahat ng nasugatan ay mula sa SOCCSKSARGEN. Iniulat din ng NDRRMC na may tatlo katao na nawawala na pawang mula sa Western Visayas. “The…

Read More

2 PATAY, ISA KRITIKAL SA MOTORCYCLE ACCIDENT

SOUTH COTABATO – Patay ang dalawang rider habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon kasunod ng nangyaring aksidente sa motorsiklo dakong alas-4 ng madaling araw nitong nakalipas na linggo sa Purok Ilang-Ilang, Barangay Saravia, Lungsod ng Koronadal sa lalawigan. Base sa ibinahaging accident report ng Koronadal City PNP Traffic Division, wala pang pagkakakilanlan ang mga biktima. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, galing umano sa sentro ng Koronadal ang tatlo at nakisaya sa selebrasyon ng ika-26 T’nalak Festival at ika-59 Founding Anniversary ng South Cotabato. Pauwi na ang mga ito…

Read More