TESTIMONYA NG 18 BODYGUARDS BASURA — MALACAÑANG

INILARAWAN ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro bilang basura ang pabago-bagong testimonya ng 18 dating bodyguards ni ex-Cong. Zaldy Co sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng sinasabing flood control anomalies. Ang pahayag ay kasunod ng pagkuwestiyon ni Senador Raffy Tulfo sa hindi pagbanggit ng mga dating Marines sa pangalan nina Senadora Loren Legarda at Senador Mark Villar sa mismong pagdinig, kahit kasama ang mga ito sa kanilang naunang mga affidavit. “Iyong ganitong klaseng mga statements na pabagu-bago, hindi po ito makakapasa…

Read More

’18 BAGMEN’ MULING KAKASUHAN NI TRILLANES

SASAMPAHAN ng panibagong kaso si dating senador Antonio Trillanes IV ang 18 bodyguards ni dating kongresista Zaldy Co. Inihayag ito ni Trillanes matapos siyang dumalo sa preliminary investigation kaugnay ng alegasyon ng 18 dating sundalo, na nag-akusa sa kanya ng umano’y pagtanggap ng pera mula kay dating Ako Bicol party-list representative Co upang suhulan ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay Trillanes, may kaugnayan ang bagong reklamong kanyang ihahain sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4 tungkol sa mga flood control project. “Magpa-file…

Read More

BALIGOD AMINADONG MAY SABLAY SA AFFIDAVIT NG 18 ‘BAGMEN’

INAMIN ni Atty. Levito Baligod na may pagkakamali sa affidavit ng 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co, ngunit nanindigan siyang walang pagbabago sa listahan ng mga opisyal na umano’y tumanggap ng porsiyento mula sa flood control projects. Ito ang pahayag ng abogado nang harapin niya ang mga mamamahayag sa Department of Justice kasama ang mga dating sundalo. “Maniwala kayo, napakaraming information na pumapasok. Napakaraming videos. Napakaraming pictures, at inentrust nila lahat sa akin. Mag-isa lang ako,” paliwanag ni Baligod. Ayon sa kanya, sinadya nilang ilabas muna ang sapat…

Read More

MAGSASAKANG REPORTER GINAWARAN NG LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

GINAWARAN ng Lifetime Achievement award for innovation and advocacy in sustainable Agriculture and Urban Gardening ang Magsasakang Reporter. Si GADMER “MER” LAYSON ay Reporter at Kolumnista ng Pilipino Star Ngayon (PSN) Television Host ng Masaganang Buhay sa OnePH ng TV5, Agri-Entrepreneur at Urban Farming Advocate. Ayon kay Amb. Doc. Maria Liza Lorenzo, President at CEO ng Dangal ng Lahing Pilipino Star Award 2026, natatangi ang kontribusyon ni Layson sa pagpapalaganap ng makabagong agrikultura, urban gardening at sustainable farming practices sa bansa. Sinabi ni Amb. Doc. Lorenzo, ginamit ni Layson ang…

Read More

AUDIT FIRM SINURI NG DOJ SA VILLAR LAND CASE

NAGING mabusisi ang pagtatanong ng Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors sa audit firm na Punongbayan & Araullo (P&A) kaugnay ng naging pag-aaral nito sa halaga ng ilang ari-arian ng Villar Group. Layunin ng DOJ na malinawan ang reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Villar Land Holdings. Nanindigan ang audit firm na wala silang pahintulot sa paglalabas ng ulat na nagsasabing umaabot sa P1.3 trilyon ang halaga ng lupain ng Villar Land. Kinumpirma rin ng P&A na hindi sa kanila nagmula ang naturang valuation at…

Read More

Patutsada sa dating bodyguards ni Zaldy Co ’18 BASURERO’ MAS BAGAY KAYSA EX-MARINES — CASTRO

MAS pipiliin umano ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro na tawaging “18 basurero” ang 18 bodyguard ni dating Cong. Zaldy Co kaysa iugnay ang mga ito sa Philippine Marines. Ito ay matapos manawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang pagtawag sa grupo bilang mga ex-Marines kasunod ng paglutang ng kanilang mga testimonya sa pagdinig ng Senado kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Castro, wala na sa aktibong serbisyo ang mga ito nang maging bodyguard ni Co kaya hindi…

Read More

PNP AT BFP NAGSASAGAWA NG HUMANITARIAN OPERATION SA LUGAR NA NILINDOL

ALINSUNOD sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, kasalukuyang nagsasagawa ng response operations ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at mga lokal na pamahalaan (LGUs) upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa mga apektadong lugar. Ayon kay Secretary of the Interior Jonvic Remulla, kabilang sa isinasagawang mga hakbang ang search and rescue operations para sa mga naapektuhan ng lindol, gayundin ang site inspections sa mga paaralan, pampublikong gusali, at mga baybaying lugar na nasa ilalim ng tsunami advisory.…

Read More

CURLEE DISCAYA INILIPAT NA SA REGULAR NA KULUNGAN

NAITURN-OVER na ng Senado sa Philippine National Police (PNP) ang contractor na si Curlee Discaya matapos itong arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Malolos Regional Trial Court kaugnay ng mga kasong graft at malversation of public funds. Bandang alas-7:30 ng umaga nitong Lunes nang arestuhin ng mga tauhan ng PNP-CIDG NCR si Discaya sa kanyang detention cell sa Senado. Sa Senado na rin isinagawa ang booking process kabilang ang pagkuha ng mugshot at fingerprint nito. Matatandaang nakakulong si Discaya sa Senado mula pa noong Setyembre 2025…

Read More

Pagkasawi ng 19 katao bineberipika GUSALI, PAARALAN GUMUHO SA 7.8M LINDOL SA MINDANAO

KASABAY ng pagbubukas ng klase kahapon ay niyanig ng malakas na lindol ang Southern Mindanao na nagdulot ng pagguho ng mga gusali, paaralan, shopping mall, simbahan, tulay at mga kabahayan, at ikinasawi ng ilang indibidwal batay sa inisyal na ulat ng Office of Civil Defense (OCD). Sa paunang ulat na inilabas ng OCD nitong Hunyo 8, nasa 19 na ang naitalang nasawi habang pito ang nawawala at tinatayang 10,000 pamilya ang naapektuhan sa mga lugar na sinalanta ng lindol. Patuloy naman ang damage assessment at koordinasyon ng mga lokal, rehiyonal…

Read More