ASEAN-CHINESE BUSINESS LEADERS SUMMIT, TARGET NG MGA NEGOSYANTE

TARGET ng malalaking grupo ng mga negosyante at mangangalakal na samantalahin ang gaganaping “ASEAN-Chinese Business Leaders Summit” sa bansa para maisulong ang turismo at makaakit ng maraming mamumuhunan sa bansa. Nabatid na magsisilbing host ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa nakatakdang “ASEAN-Chinese Business Leaders Summit” na gaganapin mula Oktubre 18–20 sa Metro Manila,” dahil sa pagiging chairman ng Pilipinas sa ASEAN 2026, na pagkakataon upang higit na makaakit ng dayuhang pamumuhunan (Foreign Direct Investment) at mapalago ang sektor ng turismo.” “Bilang pagpapatuloy sa…

Read More

Hukbong Sandatahan ng Pilipinas handa sa mass evacuation DND AT AFP NAKATUTOK SA GULO SA GITNANG SILANGAN

AGAD nilinaw ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na masusi at maigting na nakasubaybay ang DND maging ang Armed Forces of the Philippines, sa sitwasyon sa Gitnang Silangan kasama ang DFA, DMW, at iba pang mga ahensya ng gobyerno. Ayon kay Defense Spokesperson, Asec. Arsenio R. Andolong, sa kasalukuyan, ang gulo ay nananatili lamang sa Gitnang Silangan at walang inaasahang direktang banta sa ating teritoryo, maging sa mga Pilipino at dayuhang nasa bansa. Subalit nanatili ring handa ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan…

Read More

3 PATAY SA PAGSALAKAY NG MGA ARMADO

TATLO katao kabilang ang isang ginang, ang napatay sa pag-atake ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang compound sa Barangay Baloc, Sto. Domingo, Nueva Ecija. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Romulo Sangalang, 82, residente ng Barangay San Francisco, Mabalacat, Pampanga; Theodore Sangalang, driver, mula sa bayan ng Guimba; at Rose Yuson, isang may-asawang kasambahay mula sa Barangay Baloc. Natagpuan ng isang residente ng barangay ang mga bangkay bandang alas-9:30 ng umaga at iniulat ang insidente sa Sto. Domingo police dakong alas-11:30 noong Sabado ng umaga. Batay sa…

Read More

982 BULAKENYOS NAKINABANG SA MEDICAL MISSION

BULACAN – Pinangunahan ng SM Foundation ang isang medical at dental mission sa SM City Marilao, kung saan nasa 982 residente ng Bulacan ang nakatanggap ng libreng pangangalagang medikal mula sa nagsama-samang mga boluntaryong doktor, health workers, at iba pang mga propesyonal sa medisina noong Pebrero 26, 2026. Ang misyong ito ay nagbigay ng iba’t ibang serbisyo upang mapataas ang akses sa pangangalagang pangkalusugan, kabilang ang pagsubaybay sa presyon ng dugo, mga pangunahing pagsusuri sa laboratoryo tulad ng uric acid, kolesterol, hemoglobin, screening ng asukal sa dugo, bone scan, pagsusuri…

Read More

P3,500 BUWANANG RENTAL SUBSIDY SA MGA ‘HOMELESS’ INILARGA

ISINUSULONG ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang panukalang maglaan ng P3,500 buwanang rental subsidy para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan, lalo na ang mga naapektuhan ng natural o man-made disasters. Sa ilalim ng House Bill No. 7230 o “An Act Establishing a Rental Housing Subsidy Program for Informal Settler Families and Appropriating Funds Therefor,” layong mabigyan ng agarang tulong ang mga displaced families habang hinihintay ang pagkumpleto ng kanilang permanent relocation sites. Ayon kay Romualdez, magsisilbing safety net ang financial assistance upang makahanap ng disenteng matitirhan ang low-income families.…

Read More

PBBM: WALANG PINOY NA NASAWI SA AIRSTRIKE

Samantala, iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hanggang alas-9 ng umaga ng Linggo ay wala pa siyang natatanggap na ulat na may nasawi o nasugatang Pilipino kaugnay ng isinagawang pag-atake ng Iran sa mga base ng Estados Unidos sa United Arab Emirates, Bahrain, Oman at Israel gamit ang ballistic missiles. Sa isang video message, tiniyak ng Pangulo sa publiko ang kalagayan ng mga kababayan sa Gitnang Silangan. “Wala po tayong natatanggap na report na may casualty na Pilipino. Wala pong Pilipino ang namatay, at wala rin pong Pilipino ang…

Read More

TULFO NANANAWAGAN NG ‘RECOVERY PLAN’ PARA SA MGA PAALIS NA OFW NA NAIPIT SA AIRSTRIKES SA MIDDLE EAST

NANAWAGAN si Senate Foreign Relations Panel Chairman Erwin Tulfo sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maglatag ng recovery plan para sa mga Pilipinong nakatakda sanang lumipad patungong Middle East upang magtrabaho ngunit naudlot dahil sa paglala ng tensyon sa rehiyon. “Habang tayo ay nag-aalala sa ating mga kababayan na naipit sa gulo sa mga bansang apektado ng airstrikes sa Middle East, nananawagan tayo sa DMW at OWWA na bigyan din ng pansin ang mga Pilipinong papunta pa lamang sana sa ibang bansa upang…

Read More

PBBM SUPORTADO 3% CAP SA UNPROGRAMMED FUNDS

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Budget and Management (DBM) na ibaba sa 3% ng national budget ang cap para sa unprogrammed appropriations (UAs). Sinabi ni Castro na layunin ng DBM na magpatupad ng mas maingat at disiplinadong fiscal approach, batay sa historical data at fiscal trends. Binabalangkas na rin ang Philippine Budgeting Code na magtatakda ng malinaw na parameters sa paggamit at pagpapalabas ng unprogrammed funds upang maiwasan ang discretionary spending at mapalakas ang fiscal discipline. Ang panukala ay isusumite sa economic team, Executive…

Read More

PAGTUGIS KAY ZALDY CO, IBA PANG PUGANTE TINIYAK NA PATULOY

PATULOY ang operasyon ng pamahalaan laban sa mga pugante na sangkot umano sa maanomalyang flood control projects, kabilang si dating kongresista Zaldy Co. Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakikipag-ugnayan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa International Criminal Police Organization upang matukoy ang kinaroroonan ni Co. “So, ngayon may pending po tayong request for cooperation ng Interpol,” ani Castro, kasabay ng pakiusap sa publiko na huwag mainip dahil multiple agencies ang kumikilos sa kaso. Dagdag pa niya, may ilang kaso na ang naisampa o may…

Read More