P8.5 MILYONG ILEGAL NA SIGARILYO, NASAMSAM SA NEGROS OCCIDENTAL

AABOT sa P8.5 milyon ang halaga ng mga ilegal na sigarilyong nasamsam ng mga awtoridad sa isinagawang anti-smuggling operation sa Himamaylan City, Negros Occidental. Sa ulat ng Bureau of Customs (BOC), nakumpiska sa operasyon ang 8,875 ream at 418 pakete ng sigarilyo na may iba’t ibang tatak. Naaresto ang isang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap at makapagberipika ang mga awtoridad ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal na pagpuslit ng sigarilyo sa lugar. Ayon kay BOC Port of Iloilo District Collector Noli P.…

Read More

MAHIGIT P1 MILYON HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA BABAENG TULAK

MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang babaeng hinihinalang drug pusher at kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVI) sa Dasmariñas City, Cavite, Huwebes ng gabi. Nahaharap ang suspek na kinilalang si alyas Ellen sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sa ulat, isinagawa ang operasyon bandang alas-7:40 ng gabi sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement…

Read More

2 TAUHAN NG PCG, PATAY SA AMBUSH SA COTABATO CITY

NASAWI ang dalawang enlisted personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tambangan sa Roman Vilo Street, Cotabato City, noong Oktubre 22, 2026. Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, sakay ng isang sasakyan ang tatlong tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Maguindanao nang tambangan bandang alas-12:40 ng tanghali. Dead on arrival sa Cotabato Regional Medical Center ang isang Seaman Second Class (SN2), habang binawian naman ng buhay bandang alas-2:04 ng hapon ang isa pang Apprentice Seaman (ASN) matapos malapatan ng lunas. Ligtas naman ang ikatlong sakay na si CGS Maguindanao…

Read More

KORTE SUPREMA, NAGDAOS NG “LUNCH WITH THE CHIEF” PARA KAY GESMUNDO

NAGDAOS ang Korte Suprema ng “Lunch with the Chief” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan at nalalapit na pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6, 2026. Kabilang sa mga panauhin ang mga reporter at cameraman mula sa iba’t ibang media outlet na nagkober sa mga aktibidad ni Gesmundo sa loob ng ilang taon niyang panunungkulan sa hudikatura. Naghanda ng pananghalian ang mga kawani ng Public Information Office (PIO), sa pangunguna ni Chief at Spokesperson Atty. Camille Ting, para sa mga mamamahayag na dumalo sa pagtitipon sa Diamond Hotel…

Read More

LEONEN, SINURI KUNG DAPAT BAR EXAMS ANG PANGUNAHING BATAYAN SA PAGIGING ABOGADO

ISINULONG ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvic Leonen, isa sa mga kandidato sa pagka-Chief Justice, ang masusing pag-aaral kung dapat manatiling pangunahing batayan ang Bar Examinations sa pagtukoy kung kuwalipikadong maging abogado sa bansa. Bahagi ang panayam sa proseso ng Judicial and Bar Council (JBC) sa pagpili ng susunod na punong mahistrado na papalit kay Chief Justice Alexander Gesmundo. Ayon kay Leonen, labis ang cultural pressure na kaakibat ng Bar Examinations. Bilang dating propesor ng University of the Philippines College of Law, iginiit din niya na dapat iayon ang…

Read More

UNPROGRAMMED FUNDS, LEGAL – SC

supremecourt

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang konstitusyonalidad ng unprogrammed appropriations o standby funds ng gobyerno, ngunit nagtakda ito ng mahigpit na limitasyon sa paggamit ng naturang pondo. Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, sinabi ng SC na maaaring gamitin ang unprogrammed funds para sa mga hindi inaasahang pangangailangan ng gobyerno, basta’t sumusunod sa Konstitusyon. Maaari lamang ilabas ang mga pondong ito kapag may karagdagang kita ang gobyerno o naaprubahang pautang para sa mga proyekto. Gayunman, idineklara ng SC na labag sa Konstitusyon ang P449.5 bilyong idinagdag ng…

Read More

₱50-M PABUYA SA IMPORMASYON SA KINAROROONAN NI ‘BATO’

NAGLAAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng ₱50 milyong pabuya para sa sinomang makapagbibigay ng impormasyong magtuturo sa kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa at makatutulong sa kaniyang pag-aresto. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinuturing nang “armed and dangerous” o armado at mapanganib si Dela Rosa, na umano’y patuloy na umiiwas sa mga awtoridad. Kaugnay ito ng warrant of arrest na iniulat na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating senador kaugnay ng mga paratang na crimes against humanity na may kinalaman…

Read More

PNP, FULL ALERT SA UNDAS; HIGIT 140K SECURITY PERSONNEL IDEDEPLOY

MAGPAPATUPAD ng full alert status ang Philippine National Police (PNP) mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2026, bilang paghahanda sa paggunita ng Undas. Kinumpirma ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez na nakataas sa full alert ang buong puwersa ng kapulisan upang matiyak ang seguridad at mapanatili ang kaayusan sa pagdiriwang ng All Saints’ Day at All Souls’ Day. Aabot sa 140,860 security personnel ang nakatakdang ideploy sa buong bansa para magbantay sa mga sementeryo, columbarium, pangunahing lansangan, matataong lugar at mga transport hub, kabilang ang mga terminal, paliparan at…

Read More

LALAKI ARESTADO SA PAGJA-JUMPER SA SAN PEDRO, LAGUNA

Timbog ang isang lalaki nagja-jumper sa Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna nitong Huwebes, Oktubre 22. Arestado ang 33-anyos na residente ng nasabing barangay habang iligal na nagta-tap sa kable ng Meralco. Nakuha din mula sa suspek ang ilang gamit tulad ng pliers na ginamit para sa krimen. Nahuli ang suspek matapos makatanggap ng report ng Meralco at Philippine National Police tungkol sa pagnanakaw ng kuryente sa lugar. Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7832 o Anti-Electricity Pilferage Act ang suspek at maaaring maparusahan ng pagkakakulong at multa.…

Read More