IGINIIT ng ilang residente na imbestigahan ang katotohanan sa mga reklamo laban sa isang mambabatas sa Quezon City. Kaugnay ito ng isinampang reklamo laban kay Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” Vargas ng ilang indibidwal mula sa nasabing lungsod. Nabatid na sinampahan ang kongresista ng magkahiwalay na kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office na may kaugnayan sa pagbili umano ng boto at acts of lasciviousness. Sa reklamo ng dalawang hindi nagpabanggit ng pangalan na indibidwal na nagmula sa distrito ni Vargas, inakusahan nila ang mambabatas na lumabag sa…
Read MoreCategory: BALITA
‘ILLEGAL’ CAMPAIGN MATERIALS PINABAKLAS NI ISKO
AGAD ipinabaklas ni Manila mayoralty candidate Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang kanyang mga campaign material na nakalagay sa hindi designated area matapos matanggap ang show cause order ng Commission on Elections (Comelec). Partikular sa Welcome Arc sa Legarda St., Brgy. 410 Zone 12 sa Sampaloc umano makikita ang mga campaign poster. Inilabas ng komisyon ang show cause order kaugnay sa R.A 9006 o Fair Election Act noong Abril 14. Bagamat kapansin-pansin na mangilan-ngilan lamang ang makikitang campaign posters ni Yorme, agad nitong ipinag-utos sa kanyang mga tagasuporta ang pagbaklas bilang…
Read More40 MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL ISINUKO SA 601ST BRIGADE
UMABOT 40 matataas na kalibre ng baril ang isinuko sa pamunuan ng 601st Infantry (Unifier) Brigade sa Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo. Mismong si Brig. Gen. Edgar L. Catu, commander ng 601st Brigade, ang nagpresinta ng nasabing mga kagamitang pandigma kina Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete, commander ng Western Mindanao Command at Maj. Gen. Donald M. Gumiran, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division. Kabilang sa isinukong mga armas ang mga sumusunod: pitong M14 7.62mm rifle, anim na M16 5.56mm rifle, limang Garand Cal. 30 rifle, dalawang Ultimax…
Read More5 NPA PATAY SA NEGROS OCCIDENTAL ENCOUNTER
LIMANG kasapi ng isang dismantled guerilla front, ang napatay ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Infantry Division nitong Linggo ng umaga, Abril 27, 2025, sa lalawigan ng Negros Occidental matapos ang serye ng habulan at sagupaan, ayon kay Col. Erwin Rommel Lamzon, 3ID spokesman. Kabilang sa mga napaslang si Pungkol o alyas “Putol”, ang kilabot na lider ng remnant ng Southern West Front, Komiteng Rehiyon, NCBS (Negros, Cebu, Bohol and Siquijor) sa Barangay Tapi, Kabankalan City, Negros Occidental. Ayon sa report na isinumite ng Army 302 Infantry Brigade, bukod…
Read MoreLUCENA GENERAL HOSPITAL SA QUEZON NAKATIWANGWANG
PINUNA ng netizens ang nakatiwangwang na malalaking gusali ng isang panukalang ospital sa lalawigan ng Quezon. Sa post sa social media ng Quezon Province News and Updates, nakasaad na sana ay inayos muna at pinaganda ang serbisyo ng Quezon Memorial Center o QMC noong 2021 na nanlilimahid sa dumi, kulang sa mga doktor, nurses at espesyalista, maraming kulang na pasilidad, kulang sa bed capacity at ginawa pang tambakan ng basura ang basement. Puna pa ng netizens, illegal na pinagawa ni Quezon 2nd District Congressman David “JayJay” Suarez ang mga gusali…
Read MorePAGPRAYORIDAD SA BAGONG CITY HALL KAYSA OSPITAL IKINADISMAYA SA PASIG
KINONDENA ng mga residente sa Pasig City ang pasya ng pamahalaang lungsod na mas gawing prayoridad ang konstruksyon ng bagong City Hall kaysa sa pagpapatayo ng modernong ospital. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng budget ng LGU na aabot sa P118 billion sa nakalipas na 6 na taon. Ayon kay Rodel Torres mula sa Maybunga, sapat na ang nasabing halaga para mapondohan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga residente sa lungsod. Aniya, mas ginawang prayoridad ni Mayor Vico Sotto ang pagpapatayo ng bagong City Hall at pinaglaanan ng budget na…
Read MoreSANDOVAL INISYUHAN NG SCO SA VOTE BUYING
MAAARING maging dahilan ng diskwalipikasyon ni Malabon re-electionist Mayor Jeannie Sandoval kung mabibigo itong magpaliwanag sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng pagkakasangkot sa vote buying. Si Sandoval ay kabilang sa listahan na pinadalhan ng show cause order ng komisyon na may kaugnayan sa umano’y vote buying. Batay sa inilabas na dokumento ng Comelec, si Sandoval ay inakusahan ng vote buying matapos gamitin ang social media pages ng lungsod sa kanyang pangangampanya. Sa social media page ng lungsod, lumalabas na ginamit ito sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Malabon…
Read MoreTIWALA NI FPRRD IBINIDA NI IMEE
IBINAHAGI ni Senator Imee R. Marcos ang isang litrato kasama si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Sabado, Abril 26. Makikita sa larawan na itinaas ng dating pangulo ang kamay ng senadora, pahiwatig ng tiwala at suporta sa kandidatura ng huli. Kuha ang larawan noong Oktubre 2024, ilang araw matapos pormal na maghain ng kandidatura si Marcos para senador sa eleksyon ngayong Mayo 2025. (Danny Bacolod) 213
Read MoreBIRTUD NG MASONRY PINURI NI CAMILLE
PINASALAMATAN ni Senatorial millennial candidate Camille Villar ang Most Worshipful Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang kanilang panauhing pandangal sa kanilang taunang pagtitipon sa Pasay City. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Camille Villar ang mga Masonic virtues ng tibay ng loob, prudence, pagpipigil, at katarungan —mga pagpapahalaga na aniya ay mahalaga sa pagbuo ng isang matatag at makatarungang lipunan. Nagbahagi rin siya ng isang personal na koneksyon sa kapatiran, na naalala na ang kanyang lolo, si Dr. Filemon C.…
Read More