KABILANG sa iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sina dating senador Cynthia Villar, Senator Camille Villar, at dating DPWH Secretary na ngayo’y Senador Mark Villar kaugnay ng mga kontrata sa flood control projects at iba pang imprastraktura sa Las Piñas City. Ayon kay Justice Secretary Boying Remulla, contractor umano ang first cousin ni Sen. Mark Villar na nakakuha ng mahigit ₱18 bilyong halaga ng proyekto sa lungsod. Giit ni Remulla, malinaw na posibleng paglabag ito dahil sa conflict of interest, lalo’t kasama si Villar sa pagtatalakay ng budget para sa…
Read MoreCategory: BALITA
3 PCG PERSONNEL PATAY SA LINDOL SA CEBU
KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong tauhan nito ang nasawi sa nangyaring 6.9 magnitude quake sa Cebu. Ayon sa PCG, iniulat ang insidente ng Coast Guard District Central Visayas (CGDCV) at kinilala ang tatlong coast guard personnel na sina Seaman Second Class Lawrence Palomo, Apprentice Seaman Junjay Mahusay, at Apprentice Seaman Er Cart Dacunes. Batay sa impormasyon na naiparating ng CGDCV sa PCG Manila, nasawi ang tatlong coast guard personnel matapos gumuho ang San Remigio Sports Complex sa pagyanig ng malakas na lindol. Ang support teams ay ipinadala…
Read MoreINFLATION FORECAST PARA SETYEMBRE NASA 1.5% HANGGANG 2.3%
POSIBLENG umakyat sa pagitan ng 1.5 hanggang 2.3 porsiyento ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre, ayon sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ayon sa BSP, pangunahing dahilan ng pagtaas ang mas mataas na presyo ng bigas, isda, at domestic fuel. Gayunman, bahagyang nabawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng gulay, karne, at mas mababang singil sa kuryente. “Patuloy na susubaybayan ng BSP ang mga paggalaw sa loob at labas ng bansa na nakakaapekto sa inflation at paglago, alinsunod sa data-dependent approach sa monetary…
Read MoreKasunod ng magnitude 6.9 earthquake sa Cebu AFP AT PNP MINOBILISA PARA SA SEARCH AND RESCUE OPS
AGAD pinakilos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police para sa agarang search, rescue at retrieval operation sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng magnitude 6.9 earthquake na tumama sa Northern Cebu. Nitong Miyerkoles, pinasimulan agad ng AFP at PNP ang deployment ng kanilang mga tauhan at mga kagamitan sa Cebu at karatig na mga lalawigan kasunod ng naramdamang pagyanig na tinatayang umabot sa intensity 7, na naramdaman sa Region 7, 6 at 8 bandang alas-9:59 noong…
Read MoreLACSON NAGPALIWANAG SA LARAWAN KASAMA ANG MGA DISCAYA
NAGLABAS na ng paliwanag si Senate President pro-tempore Ping Lacson kaugnay sa kumakalat na larawan niya na kasama ang mag-asawang contractor na sina Curlee at Sarah Discaya. Sinabi ni Lacson na kuha ang larawan noong huling linggo ng Abril na pagtatapos ng 90-day campaign period para sa 2025 midterm elections. Isinalaysay ng senador na bago ito ay binisita siya sa kanyang opisina sa Taguig ng campaign supporter mula sa Davao City na si Fred Villaroman at kasama nito ang anak ni Discaya. Iniimbitahan anya siya nina Villaroman na dumalo sa…
Read More2 SUSPEK SA BARAYUGA MURDER HAWAK NA NG NBI
HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang akusado sa pagpatay kay dating pulis at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga nitong Lunes. Sa bisa ng warrant of arrest, ikinasa ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (OTCD) ang pagdakip matapos kusang loob na sumuko ang mga akusado. Ang arrest order ay kaugnay ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ), NBI, at Philippine National Police (PNP) sa pamamaril at pagpatay kay Barayuga at kanyang driver noong Hulyo 30, 2020 sa Mandaluyong City. Namatay si Barayuga sa…
Read More3RD NOMINEE NG AKO BICOL IPOPROKLAMA KAPALIT NI ZALDY CO
MAAARING maupo na ang ikatlong nominado ng Ako Bicol Party-list bilang kapalit ni Representative Zaldy Co na nagbitiw sa puwesto. Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Erwin George Garcia, nakakuha ng dalawang puwesto ang Ako Bicol noong nakaraang halalan kaya’t ang ikatlong nominado sa kanilang listahan ang awtomatikong aangat bilang kinatawan. Batay sa tala ng Comelec, si Jan Franz Norbert Joselito Almario Chan ang ipoproklama ng National Board of Canvassers kapalit ni Co. Nilinaw ni Garcia na hinihintay lamang nila ang pormal na abiso mula sa House of Representatives…
Read MoreSAN SIMON MAYOR PUNZALAN, HUMARAP SA SANDIGANBAYAN SA KASONG GRAFT AT EXTORTION
SI San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punzalan Jr. nang dumating sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga abogado para sa arraignment sa kasong graft at extortion nitong Miyerkoles ng umaga, Oktubre 1, 2025. QUEZON CITY – Dumating nitong Miyerkoles, Oktubre 1, 2025, si San Simon, Pampanga Mayor Abundio “Jun” Punzalan Jr. sa Sandiganbayan kasama ang kanyang mga abogado upang dumalo sa kanyang arraignment sa 7th Division ng korte. Nahaharap si Punzalan sa kasong paglabag sa Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Robbery Extortion sa ilalim…
Read MoreHindi lang si Romualdez SANDRO ‘MASTERMIND’ DIN SA FLOOD CONTROL – BARZAGA
MISTULANG hindi kuntento si Dasmariñas City Rep. Francis “Kiko” Barzaga sa privilege speech ni Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil tanging si dating House Speaker Martin Romualdez ang tinukoy nito sa flood control projects. Sa kanyang social media post, iginiit ni Barzaga na kasama rin si presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos sa umano’y “mastermind” ng flood control scam. “Chiz Escudero got one thing wrong, Martin Romualdez is not the only mastermind behind flood control, there is also Sandro Marcos,” ani Barzaga. Kilala si Barzaga, na tinaguriang “Congressmeow” sa…
Read More