Palpak na EO sinong nag-utos? MARCOS JR. LAGLAG SA ECONOMIC TEAM

(CHRISTIAN DALE) PALAISIPAN ngayon kung kaninong ideya ang pagpapatupad ng Marcos administration ng price ceiling sa bigas matapos aminin mismo ng kanyang economic team na hindi sila kinonsulta sa nasabing usapin. Pag-amin ni Finance Secretary Benjamin Diokno, hepe ng economic manager ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi man lang nagpasintabi at kinonsulta ang economic team ng administrasyon sa implementasyon ng Executive Order No. 39. Inalala ng Kalihim na ang economic managers, ang mga Kalihim ng DoF at Department of Budget and Management (DBM) at maging ng National Economic and…

Read More

PCSO, Magkakaloob ng Tulong sa Lalawigan ng Camarines Norte

Patuloy ang pagtugon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) na abutin ang bawat sulok ng bansa upang makapaghatid ng tulong sa mga kababayan nating mahihirap at nangangailangan lalo’t higit yung mga biktima ng mga sakuna at kalamidad. Noong ika-15 ng Agosto 2023, pinangunahan ni PCSO General Manager Melquiades A. Robles kasama si PCSO Director Jennifer E. Liongson – Guevara ang 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘤𝘦𝘳𝘦𝘮𝘰𝘯𝘺 na ginawa sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Magkakaloob ang ahensiya ng dalawang libong (2,000) pirasong food…

Read More

PINALOBONG CIF NI DU30 PINAGPATULOY NI BBM

PINALOBO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Confidential and Intelligence Funds (CIFs) na ipinagpatuloy naman ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kasabay ng paghahayag sa nasabing usapin, ibinahagi ng koalisyong Makabayan ang planong kuwestiyonin sa Korte Suprema ang P125 million na inilipat ni Marcos sa Office of the Vice President (OVP) noong 2022 na ginastos naman ni Vice President Sara Duterte sa loob lamang ng 19 araw. Sa webinar ng nasabing grupo, nagsimulang lumobo ang CIF sa unang national budget ng dating Pangulo at imbes na bawasan ni Marcos ay…

Read More

PRESYO NG VIETNAM RICE EXPORT PINABAGSAK NG EO 39

MATAPOS ipag-utos ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang implementasyon ng price ceiling sa bigas sa bansa noong nakaraang linggo ay bumagsak na rin ang presyo ng Vietnam Rice exports. Batay sa report ng pahayagang Vietnam Express, nabatid na ang dahilan ng pagbagsak ng presyo ng bigas sa Vietnam ay ang pagkansela ng mga Philippine Rice Importers at traders ng tone-toneladang rice imports. Ayon umano sa isang exporter mula An Giang Province, umaabot sa 40% ng kanilang kostumer mula sa Pilipinas ang nagkansela na ng kanilang mga order. Dahil dito,…

Read More

5-YR RICE IMPORTATION SA VIETNAM WELCOME KAY BBM

WELCOME kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng Vietnam na five-year rice importation arrangement. Para sa Pangulo makatutulong ito na patatagin ang suplay ng bigas at presyo sa Pilipinas sa gitna ng kasalukuyang pabago-bago sa suplay ng nasabing produkto. Ipinanukala ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos ang paglikha ng five-year rice supply agreement ukol sa ‘Vietnam exporting rice to the Philippines.’ Sa bilateral meeting sa sidelines ng 43rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Jakarta, sinabi ni Pham…

Read More

RICE PRICE CAP NI PBBM NAAPEKTUHAN WORLD MARKET PRICE – ROMUALDEZ

BAHAGYANG naapektuhan ang presyo ng bigas sa world market matapos pirmahan noong Biyernes ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 39 na nagtatakda sa presyo ng bigas sa bansa. Ayon sa US based company na markets insider, bumaba ng 21% ang presyo ng bigas sa pandaigdigang kalakalan mula $384 per metric ton noong Hulyo at ngayon ay nasa $332.4 sa bawat metriko tonelada na lang. Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, “timing at effective ang EO ng Pangulo dahil nakaapekto ito sa mataas na presyo ng bigas…

Read More

Ayuda sa rice retailers kinuwestiyon ng senador PRICE CONTROL SA BIGAS PAPOGI LANG NI BBM

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PAPOGI lang ang price cap na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi ito sagot sa namamayaning rice cartel at smuggler. Ayon sa grupong KAMPILAN o Kasamahan ng Maralitang Pilipino, pahihirapan lang ng price control ni Marcos ang maliliit na retailer na nagtitinda ng bigas. Gayundin ang mga magsasaka dahil posibleng bumagsak ang presyo ng palay. Malulugi ang maliliit na negosyante at magsasaka kaya lalong mawawalan ng supply ng bigas. Binanggit pa ng grupo, itinalaga ni Pangulong Marcos ang sarili bilang Department of Agriculture Secretary.…

Read More

‘MISLEADING NARRATIVES’ SA WPS BINASURA NI BBM

HAYAGANG binasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang para sa kanya’y “misleading narratives” na ulat na ang agawan sa South China Sea ay dahil sa labanan sa pagitan ng Estados Unidos at China. “The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely to the lens of strategic competition between two powerful countries,” ayon kay Pangulong Marcos sa intervention sa idinaos na 43rd ASEAN Summit Retreat Session. “This not only denies us our independence, our agency, but it also disregards our own legitimate interests,”…

Read More

Gustong pahupain sa EO 39 – solons GALIT NG TAUMBAYAN RAMDAM NA NI BBM

(BERNARD TAGUINOD) ITINUTURING ng isang grupo ng mga mambabatas sa Kamara na desperadong hakbang ang Executive Order (EO) 39 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para pawiin ang galit ng mamamayan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa. Ginawa ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pahayag matapos ilabas ni Marcos ang kautusan para itakda sa P41 ang presyo ng regular milled rice habang P45 naman sa well-milled rice. “Eto ay desperate move to quell the people’s mounting frustration over his failure to deliver his campaign promise, sabi…

Read More